Chapter Eleven: What happened after two weeks?

807 23 0

Alas tres ng hapon nang magising si Zabelle mula sa kanyang pagtulog. It’s been two weeks na niyang di nakakausap si Drew simula ng magkaroon sila ng kaunting pagtatalo. She’s been dating Vince since the day Vince asked her to court her. Matagal nang gusto ng dalaga ang huli kaya kahit labag sa kalooban ni Drew ay pumayag siyang ligawan ni Vince.

“Zab! Wake up! Kanina pa ako tinatawagan ni Sir Coach! He’s been waiting for us. Huwag daw tayong umalis ng hindi kumpleto.” Sigaw ni Ziah mula sa labas ng kanyang kwarto. Napatingin siya sa kanyang orasan ng makitang pasado Alas Tres na ng hapon. Napasobra kasi kagabi ang kanyang pag-inom sa after party ng kanyang pinsang si Lean.

“Eto na! Maliligo lang ako! Bakit di niyo kasi ako ginising” aniya habang pinagbuksan niya ng pintuan ang babae.

“Hello! Kanina pa kaya ka naming ginigising ni Zandra. Ayun nakipagdate muna sa asawa niya. Susunod na lang daw ito sa atin.” Paliwanag ni Ziah sa kanya habang nakasalubong ang mga kilay nito sa pagsesermon sa kanya.

“Eto na nga maliligo na. Wait ka lang diyan. Itext mo muna si Jethro mo.” Nakangising aniya sabay iwan ang kaibigan para kunin ang tuwalya niya.

“Hay naku, Ate! Isa ka pa! Hindi ko siya pagmamay-ari. Dalian mo na nga!” asik nito sa kanya sabay sarado nang pagkalakas ng pintuan ng kwarto niya. Napailing na lang siya sa pagkakaasar ni Ziah sa sinabi niya. If she only knows how Jet love her so much.

After half an hour ng pagligo ay nakapag-ayos na si Zabelle. She’s fully ready nang mapansin niya ang pagtunog ng cellphone niya.

“35 missed calls?” aniya sa kanyang sarili. Nagtaka siya kung bakit si Andrew ang laman niyon.

“Ate! Dalian mo na! Nandoon na si Ate Zandra!” kalabog sa kanya ni Ziah. Pinasok niya agad sa kanyang bulsa ang cellphone niya sabay labas ng kanyang kwarto. She went downstairs at sumakay na sa sasakyan niya.

“Ate! Ang daya mo talaga! Nagshortcut ka na naman!” nakangusong ani Ziah sa kanya. Nag-unahan na naman kasi silang dalawa papunta sa training area nila.

“Hahahaha! Wala naman kasi akong sinabing rules hindi ba?” natatawang sagot niya rito habang nakaangkla ang braso niya sa braso nito.

“Madaya! Lagi na lang talo! Motor na lang kasi!” pagdadabog sa kanya nito.

“Hahahaha! Fine fine. Next time, my dear. Paunahan sa motor!” hamon niya rito. Napatigil sila sa pagkukulitan ng may tumikhim mula sa likuran nila.

“And your prince charming is here...” pasimpleng bulong ni Ziah sabay alis pero bago man ito nakaalis ay nahatak niya ang braso ng kaibigan.

“Ate naman…” bulong nitong muli.

“What are you doing here?” tanong niya sa lalaking nasa harapan niya. Ilang linggo nga ulit itong hindi nagparamdam sa kanya? Three weeks? Two weeks? Hay naku! Pakialaman ba niya. Inayos niya ang kanyang aura para magmukhang mataray siya. Drew seems to change a little bit. Ano ba ang pinaggagawa nito sa buhay kaya’t nagmukhang ermitanyo ang huli.

“Hi… Sorry if I left for a while.” Pag-uumpisa nito.

“And so? Bakit nagpapaliwanag ka? Hindi ko naman hinihingi ang paliwanag mo?” pagtataray niya. Pinagmasdan niya muli ang lalaki mula ulo hanggang paa. May kung anong awa ang naramdaman niya sa lalaki. Para bang namiss niya ito dahil matagal-tagal ding hindi siya nakatanggap ng kung anong balita tungkol sa lalaki.

“I tried to forget you.”

Hindi niya napansin na wala na pala sa kanyang tabi si Ziah. Nakaalis na ito mula sa pagkakahawak niya.

“But I couldn’t. Yzzabelle. I couldn’t forget you again. I tried that before. Ayokong maulit na mawala ka.” Pahayag nito sa kanya. She couldn’t speak. Wala siyang masabi sa mga salitang binitawan nito. Parang pinapalambot nito ang puso niyang matigas pa sa bato.

“Sana ginawa mo na lang. Wala ka ng babalikan…” aniya sabay talikod sa lalaki.

“Kami na ni Vincent. Huli ka na.” pagsisinungaling niya. Paalis na siya sa kanyang kinatatayuan ng yakapin siya nito mula sa kanyang likuran. He’s sniffing her scent. Parang adik na adik sa kanya.

“Let go of me.” Utos niya sa lalaki. Pero tila bingi si Drew na hindi siya pinakakawalan at tila hinihigpitan pa ang pagyakap nito sa kanya.

“You’re lying, Zab. I know that. Sinasaktan mo lang ako. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. I know that you still love me, baby.” Parang siguradong sigurado ito sa mga binibitawan nitong salita.

“I-I don’t love you anymore! So get your hand off of me!” asik niya rito habang pilit na kumakawala sa mga bisig nito.

“What’s happening in here?” sabat ng isang pamilyar na boses sa kanila.

“Drew?” napabitaw si Drew sa kanya ng magsalita ang isang babae. Paalis na siya ng bigla siyang hatakin pabalik ni Drew. He’s really not going to let her go.

“Who is that girl?” tanong nung babaeng tumawag sa kanya.

“Natalie...” mahinang tawag ni Drew sa kanya.

“Siya ba ang babae mo?” mataray na tanong nito habang pinanlilisikan siya ng mata.

“No. Hindi ako ang babae niya. I need to go…”

“Oo siya ang babae ko. Siya yung mahal ko, Ate.”

The Triumvirate Racers (Book 2): Yzzabelle ClayworthBasahin ang storyang ito ng LIBRE!