CHAPTER 1

2 1 0
                                    

"I CAN'T STOP THE FEELING"

Written by : Kviolet_lover22

~

HERA'S POINT OF VIEW :

"Pinilit kong kalimutan ka.. Pero, useless din! Sa tuwing nakikita kita, bumabalik lang lahat ng sakit. Peste!" Sigaw ko kay Klyde habang umiiyak at paulit-ulit siyang hinahampas.

"Tangina naman, Hera! Akala mo ba ikaw lang?! Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan?!" Sigaw niya din saakin na ikinagulat ko.

"W-what? A-anong sinabi mo?! Nahihirapan ka?! HAHAHA." Sarkastikong sabi ko habang umiiyak.

"Tangina naman, Klyde. 'Wag na tayong maglokohan dito. Alam kong simula't sapul, wala kang nararamdaman saakin. Tapos.. Tapos ngayon? Sasabihin mong nahihirapan ka?! Tell me. Naaawa ka ba sa kala~"

Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla niya akong niyakap sa gitna ng ulan at sa gitna ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.

Nagsalita siya ng mahina ngunit sapat para marinig ng mga tenga ko.

"Ikaw. Ikaw na babae ka. Ikaw na babaeng matalino pero tanga...~"

"Pwede ba?! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko sakanya. Nagpupumiglas ako pero lalong humihigpit ang pagkakayakap niya saakin sa tuwing tintangka kong umalis.

"Just listen to me first." Saad niya habang yakap-yakap niya parin ako at walang humpay na tumutulo ang luha.

Basang-basa na kami sa ulan. Pero wala akong pake sa sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

"Ikaw. Ikaw na tanga ka. Ano bang ginawa mo? Ginayuma mo ba ako? Bakit kahit anong pagkukumbinsi ko sa sarili ko na hindi kita gusto, kabaliktaran nun ang tinitibok ng puso ko. Minura na kita't lahat-lahat,ipinahiya at ipinamukha ko sayong hindi kita gusto, pero sa tuwing ginagawa ko 'yon, nasasaktan ako.Mas nasasaktan ako..~" Mas lalo akong naiyak sa sinasabi niya. Bahagya akong natulala.Hindi pa masink-in sa utak ko ang mga sinasabi niya.

Tinanggal niya ako sa pagkakayakap niya at inangat ang chin ko para makita ang mukha niya.

"T-totoo ba lahat ng mga sinasa~"

"Yes. Mahal kita. Mahal na mahal kita, Hera. I wan't you to stay with me. Please. Please stay with me forever." Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko. Gulong-gulo na ako pero nung sinabi niyang mahal niya ako, biglang mas lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha. Papalapit pa siya ng papalapit sa mukha ko. He will kiss me. He will kiss me.. Malapit ng magdampi ang aming mga labi......

"Heraaaaaa!" Sigaw ni Mama.

"Hera! Bumagon ka na nga dyan! Ano ka bang bata ka?! Magtatanghalian na tayo, hindi ka pa nagigising dyan! Ano ba?! Wala ka ng maitulong dito sa bahay! Bumangon ka na dyan bago pa ako tuluyang mahigh blood sayong bata ka!" Dagdag pa niya.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko.

The hell! Panaginip lang ba lahat ng 'yon?! Gosshh! Sana hindi nalang ako nagising.

Wait, I have an Idea. What if, matulog ulit ako?! Tuloy panaginip kumbaga!

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng...

"Aray ko, Ma!" Napasigaw nalang ako ng bigla akong kurutin ni Mama.

Sakit, Shit!

"Hindi ka pa babagon diyan?!" Galit na galit na saad ni Mudrakels.

I Can't Stop The FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon