"O sleep, O gentle sleep, nature's soft nurse, how have I frightened thee, that thou no more wilt weigh my eye-lids down and steep my senses in forgetfulness?"- William Shakespeare

 




“Grabe friendship! Wala talaga kong ma-say kay Haru! Sobrang talino na, ambait pa! Bet na bet ko talaga sya para sa’yo!” sabi ni kumareng Nika na parang kinikilig habang naglalakad kami pauwi.

“Paulit-ulit? Paulit-ulit?? Alam mo, mula second period hanggang last period naten ay wala na kong ibang narinig kundi yan!” reklamo ko sabay takip ng tenga ko.

Tinanggal nya ang mga kamay ko na nakatakip sa tenga ko at sinabihan nya ko ng, “ayii..kunwari ka pa friendship! Kung makayakap ka nga kanina dyan wagas eh!

“Ilang beses ko bang sasabihing nagkataon lang yun??”

“Echu~ deny-deny pa! Nagba-blush naman! Oh!! Halata!” asar nya.

“Che! Imbento ka ah!”

“Tapos sabi nya pa, patutunayan n'yang matututunan mo rin syang mahalin kahit opposite sya ng ideal man mo!! Oh my M! San ka pa makakahanap ng lalaking ganyan?

“Teka nga friendship. Magkalinawan nga tayo. Magkano ang binayad nya sayo para m---“

“Alam mo, naaawa ako kay Haru.”

Eh?! Anong konek nun sa pinag-uusapan naten?”

“Naaawa ako sa kanya kasi..nainlove sya sa’yo.” ABA! Parang sumusobra naman yata tong si kumareng Nika ah! Anong ibig nyang sabihin, hindi ako worth it mahalin??

Teka! Baket, sinabi ko bang mainlove sya saken? Hindi ko naman ginusto yun ah!”

“Yun na nga eh. Hindi mo na nga mahal, binabalewala mo pa. ‘Tas kung pag-isipan mo sya ng masama..tsk..tsk..Grabe ka friendship! That innocent visage? Sa tingin mo ba makakaya nyang mam-bribe ng ibang tao para lang papurihan ang sarili nya sa harap mo?

Ouch. Para kong sinaksak ng 100 beses. Tagos hanggang kaluluwa ko yung mga sinabi ni kumare eh. Oo nga naman, para namang gagawin nya yun..haay..

Bakit ba feeling ko ang sama-sama ko na? Kontrabida nga ‘ata ang role ko rito..

“Friendship,” tawag-pansin saken ni kumareng Nika. Nasa harap na pala kami ng bahay nila, “sana..bigyan mo ng chance si Haru..o kahit..ituring mo man lang syang kaibigan..Obvious ka kasi kanina eh. Ang plastik ng ngiti mo. Halatang pilit. He made your impossible condition possible. Kaya sana, do what you promised to him. Be his friend. So far, yun lang naman yung gusto nya di ba? I think na..he’s really serious about you. 

“Kita mo nga, gumawa sya ng isang bagay na palagay ko eh hindi nya pa ngagawa kahit kelan --- ang manakit ng isang kaibigan sa harapan ng maraming tao. Saka, kundi dahil sa kanya, malamang napahiya na tayo ng bongga sa Algebra subject naten kanina.”

Candied Feelings (Published)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!