Kabanata 45

990K 28.5K 27.4K

Kabanata 45

Gone

Marami kami sa loob. May mga pagkain at may mga regalo sa mesa. Binati agad ako nina Julia, Hannah, at Liza. Kumakain na sila galing sa mga pagkaing nakahain.

Narinig ko agad ang footsteps ni Elijah pababa ng kanilang hagdanan. Kinabahan agad ako. Mabuti na lang at nandito si Erin at Damon sa gilid ko habang kumakain na rin.

"Magkakaroon tayo ng games, a? Wa'g kayong KJ!" Ani Chanel.

"Beerpong?" Tanong ng boyfriend niya.

"Saka na 'yon. Flipcup at parlor games na muna."

Nag kwentuhan ang mga tao, syempre, tungkol sa Christmas vacation nila. Nagtatawanan ang lahat ngunit wala akong maramdaman kundi kaba sa mga titig ni Elijah sa akin. Ni hindi ko siya binabalingan.

"Si Eion." Narinig kong bulong ni Liza.

Nakita kong humahakbang si Eion sa harapan ko at binati ang mga kaibigan nina Josiah. He's different. Parang may nag iba sa kanya. He looked happier. Naka puting v-neck t-shirt siya at naka maong pants lang at nakikipag high five sa mga kaibigan ni Josiah. It's easier to love Eion. Walang sabit. Masasaktan ka pero mababaw lang ang mga sugat. Unlike the love I have for Elijah, extreme and too much. It's scary.

"Klare, you want some cake?" Napatalon ako nang tumayo si Elijah sa harap ko na may dalang slice ng cake sa kanyang kamay.

Kita ko ang titig ni Damon at Rafael sa akin habang ginagawa niya iyon. Si Erin at Chanel ay nagngungusuan habang lumilinga linga naman si Claudette para suriin ang mga tingin ng ibang tao.

"Thanks." Sabi ko at kinuha ang cake na binibigay niya.

"Gusto mong umakyat sa veranda?" nakangisi si Elijah.

"Uh, no. Mas gusto ko dito." Sabay tingin sa mga tao.

"Hmm... Alright."

"Elijah! Elijah! Picture muna kayo nina Hannah, please?" Sabay hila ni Erin kay Elijah patungo sa readyng ready na sina Hannah sa malaking christmas tree nina Elijah.

Natagalan sila sa pag pipicture. Marami ang nakisali. Mas mabuti iyon para ma divert ang atensyon ni Elijah sa kanila.

Pagkatapos ng kainan ay lumabas kami para maglaro ng parlor games at iba pang mga plano ng mga kaibigan ni Chanel. I felt completely useless. Hindi ako masyadong pinaglalaro nina Erin at Chanel habang si Elijah naman ay laging present sa mga laro.

Maraming inihanda si Chanel na parlor games. Nag hubad na ang ilang boys dahil sa pawis na natamo sa parlor games. Pinanood kong sumayaw ang dog tag na suot ni Elijah nang hinubad niya ang kulay puying t-shirt.

"Ang last bago tayo mag beerpong ay ang Newspaper Dance!" Tumawa si Chanel.

"You suck, Chanel!" Ani Josiah sa kanyang disappointment.

Tumawa ako. Nakainom na rin kasi sila dahil may dalawang larong nangailangan ng pag inom ng alak. Iyong Flipcup at 'yong imbentong laro ni Chanel na pabilisang makainom ng Jack Daniels ng isang grupo habang sinasabi ang 'Merry Christmas'.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!