Onneechan's Story Chapter

1.5K 51 4
                                                  

Alice


*** SCARLET/ALICE ***  


Sulat galing kay Seth? Bakit? Nasaan siya?

With shaking fingers, I opened his letter.


Alice,

Hulaan mo kung ilang ulit kong sinulat 'to. Isa? Dalawa? Hindi ko na mabilang. Ilang beses ko na ring pinag-isipan kung kailangan ko pa bang ipaalam sayo. Pero ayokong magalit ka sa akin kaya heto.

Naaalala mo ba noong tinanong mo ako kung anong pagkakataon sa buhay ko ang gusto kong ulitin? Naalala mo ba na hindi ako sumagot noon? Dahil kung papapiliin ako, pipiliin ko yung pagkakataong nakilala kita. I'll always choose you, Alice. Kahit ilang beses pa akong masaktan. Kahit ilang ulit pa. Sayo pa rin ang hantong ko.

Pero bakit nga ba kailangan ko pang sumulat sayo? Siguro iniisip mo na pwede ko naman sabihin sayo. Pero Alice, baka kasi wala na ako habang binabasa mo 'to ngayon. I'm sorry. Hindi ko kinayang sabihin sayo agad.

Ilang beses ko nang sinubukan na agawin ka sa kanya. You don't even want to know the things I did to stop you from loving him. Pero hindi ko kayang nasasaktan. I love your smile. Your laugh. Your eyes when you look at him. So I have to let you go.

And because of that, I have to disappear, Alice. I have to fade. This was my choice. This IS my choice. For you, for Clyde. I chose this thinking that in exchange of doing this, you will be happy for the rest of your life. Kahit wala ako.

Alam ko, naguguluhan ka. Pero ieexplain sayo ni Clyde lahat. Oo, alam niya. Sinabi ko bago ko ito sinulat. Just know that if I have the chance to change who I am, gagawin ko. Tapos hahanapin kita.

You are my favorite memory. So please promise me that you'll never forget me.

Only yours,

Seth

P.S. Oh diba? Ang galing ko na mag-english.


Tumakbo ako palabas ng kwarto. Saktong nasa labas si Clyde. Para bang alam niya na ang nangyari.

"Nasaan si Seth?" naiiyak kong tanong sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Sinabi niya sa akin ang lahat. Ang dahilan kung bakit mawawala si Seth.

Parang dahan-dahang pinupunit ang puso ko. "Clyde, nasaan si Seth?"

"Nasa taas," mahina niyang sabi. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Kailangan ko siyang pigilan." Humahagulgol ako habang natakbo paakyat. Sumusunod sa akin si Clyde at ilang beses niya na rin akong pinigilan. Pagdating ko sa pinakatuktok ng castle ay nakita ko siya.

Nakaupo at nakatingin sa papalubog na araw.

"Seth," tawag ko. Agad siyang lumingon. Naiyak rin siya.


'And I'm here just, just like

I used to be

We were here in old days,

with you, with me'♪ ♫


Lalapit sana ako pero pinigilan niya ako. "Diyan ka lang Alice. Wag ka na lumapit. Baka magbago isip ko."

Napaluhod ako. "Bakit di mo agad sinabi Seth? Edi sana... Sana nagawan pa ng paraan. Sana nabago pa natin."

"Nabago ang alin?" tanong niya habang nakatalikod sa akin. "Kapag ba sinabi ko sayo magbabago ang nararamdaman mo kay Clyde?"

Napayuko ako. "Hindi."


'When you feel so lonely,

I'll be here to shelter you' ♪ ♫


"Kaya wag ka nang umiyak, Alice." Humarap siya sa akin habang nakangiti kahit naluha. "Wala akong pinagsisisihan. At mas lalong hindi kita sinisisi."

Unti-unti nang lumulubog ang araw. Magdidilim na.

"Wag ka munang mawala, please."

His skin slowly started to crumble like ashes. Napapikit siya.


'If I could fly above the clouds

like all the birds

And I could hold you for awhile to let you feel my pulse

Still here, all alone  ♪♫


"No," sambit ko. "Wag muna."

"Magpromise ka, Alice," sabi niya. "You'll never forgey me, okay?"

Umiling ako. "Wag muna, Seth!"

"Promise me!" sigaw niya. "Wala na akong oras."

I started wailing. Sobrang sakit na ng puso ko. Bakit ba nangyayari 'to saken? Sa amin?

"Promise," bulong ko. "I will always remember you."

After that, he faded and turned into ashes.


'And I'm here home home,

With you, With me ♪ ♫

Wattpad Filipino Block Party 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon