Trigger 53 - Lost Princess no more.

7.4K 124 10
                                    

[Edited Ver.]


Lost Princess no more.



Dominic's PoV :

Bakit naman kaya bigla akong tinawagan ng babaeng iyon? Annalise never contacted me for the past decade because she said, everytime she sees me, she's reminded of that one man who she loved.. si Jerome. 

Tapos ngayon tinawagan niya ako at nagulat talaga akong nasa Pilipinas lang pala siya at kailan lang umuwi. Alam kaya nina Belinda at Melissa ang tungkol dito? Ang alam ko may communication sila kay Annalise e. Kasama ko si Brenda, pumunta kami sa sinabing address ni Annalise na tinitirhan 'nila' ngayon. Sino kaya ang kasama niya? 

Brenda: "This is the first time I'll be seeing Annalise, after a long time. Well, naikwento ko na naman sa'yo na nagkita pa kami noong nasa Boston pa ako 'di ba, Honey?"

Dominic/Boss: "Yes, honey. And you last saw her exactly six years ago. Bago pa kayo umuwi ng mga bata dito."

Brenda: "Exactly. For good na raw ba ang pag-s-stay niya dito?"

Umiling ako habang nagmamaneho. Hindi naman sinabi ni Annalise kung dito na siya maninirahan ulit, basta ang sinabi niya lang ay pumunta ako sa bahay niya at may pag-uusapan raw kaming dalawa. Tungkol saan naman kaya iyon? Catching up? Nah. She's not like that kind of person. Kung uuwi iyon dito, sana sinurpresa niya nalang ako sa bahay. Mahilig iyon sa gulatan.

Brenda: "Dito na ata, honey. That's the exact number of the house, as I remembered."

Huminto na kami sa harap, pero ako lang muna ang lumabas para mag-doorbell. Maya-maya lang ay bumukas na ng kusa ang gate, at alam kong ang ibig sabihin noon ay pumasok nalang kami kaya ginawa ko naman. When we get inside, agad akong bumaba sa kotse at umikot papunta sa kabila para pagbuksan ng pinto ang misis kong ilang buwan nang buntis. 

May sumalubong sa aming maid, at iminuwestrang sundan namin siya papunta sa itaas ng kabahayan na iyon. The house screams Annalise Anderson's personality kaya walang dudang bahay niya nga ito. 

Maid: "Sir, dito na po ang office ni Ma'am Annalise. Puwede na po kayong pumasok."

Dominic: "Salamat."

Ngumiti ito sa amin pagkatapos ay umalis na rin. Ako naman ay pinihit ang seradura ng pinto at binuksan ito. Tumambad sa akin ang may kalawakang kwarto na may mga bookshelves na may mga iba't-ibang klase ng libro na nakapalibot at may mini-office sa gitna. Nakita ko agad si Annalise na nag-angat ng tingin sa amin habang nakaupo sa swivel chair na nakaharap sa mesa niya. She stood up and with a wide smile on her face, she walked near us.

Annalise: "Mabuti naman nandito na kayo. Hi, Brenda! You look wonderful, even more than the last time I saw you."

Brenda: "Thanks, Ate Annalise."

Dominic: "Himala ata at hindi ka nanurpresa ngayon. At matagal ka na palang nandito sa Pilipinas hindi ka man lang nagsasabi."

Annalise: "Nagtatampo ka na ba niyan, Doms? Hay nako. It's been more than a decade when I last saw each other tapos ganyan ang isasalubong mo sa akin? Wala man lang bang hug and 'kamustas'?"

Dominic: "Ang dali mo pa rin magtampo, Annalise. Para kang bata, sunod kay Mels."

Sinimangutan ako nito at pinameywangan. Naka-salamin pa siya niyan kaya mukha siyang masungit na guro.

Annalise: "Don't compare me to Mels, Dominic. Anyway let's sit down first, baka napapagod si Brenda."

Umupo na nga kami sa sofa, magkatabi kami ni Brenda at nasa harap namin si Annalise. Noong nakaupo ako at tiningnan si Annalise, bigla itong sumeryoso kaya naging pormal na rin ako. Hindi ko pa man naririnig ang sasabihin niya, nakakaramdam na ako ng kaba at hindi ko maintindihan kung para saan iyon. Hindi naman siguro masyadong seryoso ang sasabihin niya sa akin, hindi nga ba?

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon