∵ C h a p t e r 4 2

78 2 0
                                    

Third Person's Pov

Habang nakasakay pa ako ng taxi ay bigla kong nakita ang mga magulang nung nakatabi kong dalaga noon.



"Kuya.. Patigil muna" -Me

At ng tumigil ang taxi ay binayaran ko na din sya at sabay pasalamat. Naisipan ko kasing tulungan ang mag asawa sa mga dala nilang bag.

Kaya pagkatapos nun ay tumakbo na ako papunta sakanila.




"Oh.. Dba ikaw yung..?" -Tita

Sa gulat ni Tita ay di na sya makapag salita pa kaya napangiti na muna ako.


"Yes po, Tita. Ako ho yung nakita nyo noon na kasama ang anak ninyo. Tulungan ko na po kayo dyan?" -Me

"Salamat, iho" -Tito

Tumango lamang ako pero pinagtaka ko kung saan ba sila pupunta?


"Saan po ba kayo pupunta? Bakit naglalakad lang po kayo dito na grabeng mga dala nyo pang mga bag" -Me

"Pauwi na din kasi kami, iho. Eh nagpa tigil nalang kami sa taxi nun sa may tindahan dyan na malapit na din sa bahay namin kaya nilalakad nalang namin ito at kung tatanongin mong nasaan si Sachi ay nasa maynila na sya uli" -Tita

"Aah.. Sige ho! Tutulungan ko na muna po kayo makauwi, bago ho tayo uli mag kwentuhan. Kung okay lang po ba sainyo?" -Me

At pumayag naman sila kaya tumuloy na kaming lumakad.







Hanggang sa makarating na nga kami ng bahay nila ay ako na din ang nag pasok ng mga bag nila.


"Salamat talaga sayo! Ito bayad ko" -Tita

Bago pa makuha ni Tita ang babayaran nya saakin ay agad na akong sumagot.


"Ayyy wag na ho, Tita! Okay lang po!😊" -Me

"Nakakahiya naman sayo. Tanggapin mo nalang. Sige na" -Tita

Haahaha ito talaga si Tita. Kaya hinawakan ko ang kamay nya kung saan nakalagay ang pera at "Tita wag na po talaga! Okay lang po talaga at siguradong-sigurado na ako😊" -Me

Napabuntong hininga muna sya bago nya ako sagutin. "Oo na nga, iho! Nga pala.. Anong pag kwkwentuhan natin?" -Tita

At sabay na binigyan na ako ni Tito ng tubig.

"Salamat po....  Uhm.. Itatanong ko lang po bakit nasa maynila si Sachi?" -Me

"Aah.. Simula kasi nung nasunog ang school nila dito, naisipa ng best friend nya na dun sila sa maynila mag aral. Eh yung best friend nya, matagal na namin pinagkakatiwalaan yun. Mabuti talaga syang tao" -Tita

"At iho.. May.. Alam namin na isang beses lang kayo nag kita at hindi pa kayo gaano ka close pero sa pinag uusapan na natin sya.. " -Tito

"Hmm.. Mabuti ka ding tao at... May nangyare kasi sakanya" -Tita


Hindi muna ako nag sasalita at hinahantay na muna sila makatapos.


"..Na-amnesia ang anak namin" -Tita

"Nangyare yun nung muntikan sya makidnap" -Tito

"Sya lang ho ba mag isa nun?" -Me

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Miss Wattpader Met Mister Wattpader [ONGOING]Where stories live. Discover now