Meet Janine

2K 19 7
                                    

Ako nga pala si Janine Rivera. Jan ang tawag sa akin ng mga friends ko. Sabi nila cute daw ako. Pero diba ang ibig sabihin ng cute, ugly but presentable??? Hehe.. Pero sabi naman ng mama ko maganda raw ako, but, aren't we all??

I'm actually a frustrated writer - poems, essays, short stories, at kung anu-ano pa. Hilig ko talaga ang magsulat, pero honestly takot akong mabasa ng iba ang mga sinulat ko. Hindi ako ready na makatanggap ng criticisms eh, madali lang kasi akong ma discourage. Other than writing, hilig ko din ang music. Pero di ako marunong kumanta ha, hilig ko lang makinig. Favorite band ko ang P5, yun bang band na kasali sa Daniel Padilla. Kilala niyo naman siguro siya diba?? Yung kaloveteam ni Kathryn!!!

I'm his number one fan. Grabe, wala pang ibang artista ang nakapagpakilig sa akin ng ganito. Yun bang kahit sa TV ko lang siya nakikita feeling ko magkakilala na kami ng matagal???

Alam niyo ang feeling na yan? Yun bang sa tuwing kinakantahan niya si Kathryn, feel na feel ko na ako ang kinakantahan niya?? GOSH! Call me crazy, but I think hindi lang ito simpleng pag iidolo, in love na yata ako sa kanya eh.

Anyways, kakagraduate ko lang ng high school. Every summer, I spend my time working part time sa resort ng Ninong ko, ang best friend ng papa ko at mayor ng city namin. Actually halos wala nga akong ginagawa sa resort eh, paano kasi, kahit gustong-gusto kong tumulong, para bang briniefing na ni Ninong na huwag akong pagtrabahuin, "special treatment" kumbaga.

Nakakatuwa din naman. Nagagawa ko lahat ng mga gusto kong gawin. And besides love na love ko kaya dito sa resort, kaya nga kahit hindi ako pinapatulong, kahit ano ginagawa ko nalang para makatulong kahit konti.

OK din ang resort ng Ninong ko. It's one of the finest dito sa province namin, minsan nga may nagshoot ng movie dito, minsan nga may mga artista pa kaming guests. They love it here. Paano kasi, dito may privacy, tapos strict pa ang security, kaya walang nakakapasok na paparazzi and mga unwanted guests.

 Excited naman talaga akong pumunta at magstay sa resort every summer, pero minsan nabobore din ako. But just when I thought that this will be one of those summers again, nagkamali ako.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon