♥♥Eight♥♥

214 18 3

♥♥Eight♥♥

Lee POV:

"Ma? Bakit ganun.. Bakit minahal niya ako... Bakit di ko alam" sabi ko sa mama ko

Andito ako ngayon sa harap ni mama.. Umiiyak ko sakanya.. Sobra kasi. Nasasaktan ko pala si rye all this time...

"Anak.. Natural lang na mainlove siya sayo. Sobrang sweet mo naman kasi... At yung pakikitungo mo sakanya, kung makaasta ka parang girlfriend mo si tamara.. Kung ako siya talagang maiinlove ako sayo" napabuntong ako sa sinabi ni mama at nagpunas ng luha

"Bakit ako.. Hindi ako nainlove sakanya?" Nagkibit balikat lang si mama sakin

Hay.. Ang hirap ng sitwasyon namin ni rye.. Sobrang hirap.

Wag naman sanang masayang ang pagkakaibigan namin.. Sana naman masagip pa namin yun.

Inayos ko ang buhok ko at nagpunas ng mukha.

"Kawawa naman si Rye. Tama nga ang hinala kong mahal ka niya.. Di ako nagkamali" nakangiting sabi niya.

"Huh?" Takang tanong ko

"Yung pagtingin kasi niya sayo. May ibig sabihin, may ipinararating, kapag naman nginingitian mo siya, namumula ang pisngi niya. Akala ko nga natural lang iyon.. Hindi pala, may ibig sabihin na pala.. Nahulog na pala siya.. Siguro ayaw niyang masira ang pagkakaibigan niyo kaya hindi niya inamin sayo.. Pero pinilit mo naman kasi siyang sabihin kung anong problema kung bakit siya umiiwas... Ayan tuloy.."

Lumuha nanaman ako..

-

Rye POV:

Unang una.. Bakit ko ba siya nakilala? Bakit ko ba kasi nakilala si lee.. Bakit pa nagtagpo ang landas namin.. Pangalawa, bakit naging bestfriend ko pa siya? Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit siya pa?.. Pangatlo, bakit ako nainlove sakanya? Eh babaero, pervert, chickboy, mapangasar, tarantado, pasaway siya!

Napailing nalang ako

Siguro.. May tama lang ako sa utak.. Tama! Yun yun!

Napahiga ako sa kama ko dahil sa dami ng iniisip ko

"Hoy! Andyan si robby, hinahanap ka" kumunot ang noo ko sa sinabi ng kuya ko

"Bakit daw?" Takhang tanong ko at bumangon

"Aba'y malay ko! Labasin mo kaya siya?!" Napairap nalang ako kay kuya

Tamad akong bumangon at lumabas para makita si Robbilier

"Bakit ba?" Malamig na sabi ko kay robby.

"Date tayo?" Nanlaki naman ang mata ko sakanya.

"Hmm.. Umuwi ka na, ayoko" umirap ako sakanya at tumalikod na.

"Tammy naman! Sige na please?" Umiling ako at tuluyan siyang iniwan dun, bumalik na ako sa kwarto ko.

Andami dami ko ng problema, dinadagdagan pa ng robby na yan.

Bumuntong hininga ako at pumikit.

Nasabi ko na sakanya na mahal ko siya, na mahal na mahal ko siya... Paano na yung walong taong friendship namin? Paano na yung relationship namin as a bestfriend? Mawawala na ba yun? Mawawala nalang ba na parang bula yun?

Di ko na napigilang lumuha sa naisip ko.

Ayan na nga lang ang relasyon ko sakanya, mawawala pa.

Masakit kapag nawala siya sa tabi ko.

Siya lagi kasi ang andyan kapag may problema ako. Kapag down na down ako. Lagi niya akong pinapasaya... Mawawala ba siya dahil sa pagiging tanga ko?

I LOVE YOUBasahin ang storyang ito ng LIBRE!