Kabanata 44

997K 26.2K 13.4K

Kabanata 44

Miss You

Pagod na pagod ako nang dumating kami sa bahay. Sa sasakyan namin ako sumabay. Nauna kami sa bahay at sumunod naman ang mga pinsan ko.

“Klare, are you okay?” Tanong ni mommy pagkapasok ko ng bahay.

Tumango ako.

“Pagod ka ba? We can tell your cousins to just go home instead. Si Elijah, it’s okay if he’ll stay.”

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. “Wa’g na mom. Okay lang na nandito sila.”

Of course concerned si mommy kay Elijah. Ngunit kailangan kong umiwas kay Elijah. Alam kong pag siya lang ang narito ay paniguradong sa kwarto ko iyon matutulog.

Humikab si Azi pagkapasok niya sa amin. Nasa kusina pa ako at umiinom ng tubig nang pumasok siya kasama ang ibang pinsan ko. Tahimik ang mga girls at parang maingat sa bawat galaw. Nakapamulsa si Elijah habang nakikipag biruan kay Rafael.

“Xbox?” Anyaya ni Josiah.

“Sige ba!” Ani Azi.

Pumasok si daddy na bitbit si Charles. Tulog ang kapatid ko kaya dumiretso sila sa kwarto.

“Wa’g kayong masyadong mag puyat.” Paalala niya.

“Yes, tito. Klare, matulog na tayo?” Ani Erin.

Instinct ang nag tulak sa akin para lingunin si Elijah. Nasa akin ang titig niya at naka half smile siyang umuupo sa sofa.

“Okay.” Bumaling ako kay Erin.

“Good night, boys!” Sabi ni Chanel.

“Ang K-KJ niyo naman? What’s up?” Tanong ni Rafael habang naghuhubad ng kanyang pulang polo shirt.

“We’re exhausted.” Ani Erin.

Hinawakan ni Elijah ang kanyang earrings habang pinapanood si Azi na inaayos ang Xbox sa aming sala. Normal lang ito para sa kanya. Wala siyang alam sa mga nangyayari. Hindi niya alam na iniiwasan ko siya.

"Okay, bye! Good night!" Ani Chanel at hinila ako patungong kwarto.

Walang umimik sa kanila pagkapasok sa kwarto ko. Umupo si Claudette sa kama ko habang parehong nag hubad ng sapatos si Erin at Chanel. Nilapag ko ang regalo ni Elijah sa tabi ng kama ko. Binuksan ko ulit ito dahil hindi ko pa ito nakikita ng maayos. Isang barrette na butterfly at punong puno ng crystals o diamonds. Sa pakpak nito ay may kulay violet na bato. It's so pretty. Suminghap ako at kinuha ko ang iPad ko.

"What are we going to do, Erin? Mahahalata ni Elijah na nilalayuan siya ni Klare? Okay lang ba na malaman niya na may alam tayo sa kanila?" Tanong ni Claudette.

Binuhay ko ang iPad at agad binuksan ang Skype. I know what to do. I know I left her hanging the last time we talked. Ngayon ay kukumpirmahin ko kay Ate Yasmin ang desisyon ko. She needs to give us time. I needed her faith.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!