Chapter 21 (Babe)

224 7 4

para pala to kay Karen! yung lagi nagcocomment na si jhec ang gusto niya partner :)

start reading

"ititigil na naten? bakit?" ~andrew

"Ayoko ng masaktan ko pa si louise dahil sa panliligaw na yan" ~jay

"Then youre dare is fail"

Dare?

"louise wait"

Sh*t nakita niya ko. Hindi pa naman ako mabilis tumakbo, maabutan niya na ko.

"let me explain"

wala bagal ko talaga >.< naabutan niya na ko.

"explain? okay lang :) ha..ha..haha"

Grabe sobrang bitter ata yung pagkasabi ko.yung tawa ko pa halatang pilit. Ayoko muna kasing makipagusap! galit ako sa kanya.

"louise please"

nakakainis! di niya ba magets na ayaw ko pa siya kausapin! ano ba pwede dahilan para makalayo ako dito.

"Hey! babe late kana >.< kanina pa ko nagaantay sayo dito"

Buti na lang dumaan si jhec! pero sorry sa kanya kailangan lang.

"hoy anong sinasabi mo?"

pero pabulong niya lang sinabi kasi naka kapit na ko sa braso niya hahah para talaga kunwari kami

"just act. mamaya ko na sasabihin sayo :)"

"ok"

at ayun di na siya nagtanong mageexplain na lang ako mamaya sa kanya.

"Babe namiss mo ba ko?" ~ ako

"oo naman :) tara na?"

aba! ang galing niya umarte ah! idol! 

"uhmm jay would you mind kung aalis na kami? may lakad pa kami eh"

"....."

tss di sumagot! nakakairita siya.

Palakad na kami palayo kaso bigla siyang nagsalita

"ka..kayo? louise di ba joke lang yan. tell me"

Oo joke lang to pero hindi ko pwede sabihin sayo kasi manloloko ka! ang sakit, yung kala ko perfect kana tapos dare lang pala lahat yun! nakaka Sh*t ka dre!

Humarap ako sa kanya pero sympre ang expression ng mukha ko painnocente.

"ah oo. nung saturday lang :) sorry ah kailangan na talaga naming umalis"

Tumalikod na ko tapos naglakad ng mabilis sumunod naman si jhec. Grabe tumulo agad luha ko. Ang sakit! Ganto pala feeling nun. T*nga ko bat di ko naisip na isa pala siya dun.

"Louise, paadvice naman" ~angelica

"ah, ano ba problema?"

first time ata to ah. si angelica nanghihingi ng advice sakin. Oh my gosh flattered ako hahahah. echosera na ko masyado.

"ano kasi, may nanliligaw sakin..."

lagi naman may nanliligaw sa kanya ah. anong bago? joke hahahhha

"kaso dalawa sila. yung isa minahal ko dati tapos yung isa mahal ko na ata kaso...."

Kaso? bakit parang ramdam ko iiyak na siya. At ayun na nga umiiyak na siya. bakit?

"Angelica?"

"kaso kasi dare lang pala nilang magtrotropa manligaw, ibig sabihin hindi niya talaga ako mahal . . . ."

aww. kaya pala. Ang sakit nga nun.

"tapos ngayon naman kahit alam kong siya na mahal ko naguguluhan na ko sa kanilang dalawa, hindi ko alam ang dapat kong gawin. Para kasing may feeling ako mahal ko pa din yung isa pang nanliligaw sakin :l"

Kung ako nasa sitwasyon niya ano ba dapat kong gawin?ang hirap naman.

"Mas mabuti siguro lumayo ka muna . . . ."

(Author's Note: chapter 13 yan kung nakalimutan niyo na)

Sh*t! ang t*nga t*nga ko! bakit di ko siya naisip diyan. Sa simula palang niloloko niya na ko. tsss

"huy umupo muna tayo dito sa bench! ano ba nangyari ha? ha?"

Shhhhh kailangan ko pa pala magexplain sa isa dito. Pero mas mabuti na din at malabas ko.

"ganto kasi yun. Yung panliligaw ni jay, dare lang pala"

Umiiyak nanaman ako.

"Ano?"

"narinig mo naman di ba"

"so kaya pala tinawag mo kong babe kanina para makatakas ka dun"

"sorry."

"joke lang! sympre naiintindihan ko"

wait lang! May naisip ako *evil smile* hahahahha

"jhec di ba kailangan mo makapasa sa math ngayong quarter para di ka bumagsak"

"haaaaaay pinaalala mo pa! nakakaloka nga yun eh. yung libro naman naten ang chugeee . . . . . ."

"tutulungan kita *evil smile*"

"anong meron sa ngiti mo? ahhaha nakakatakot ka!"

well kahit may pagkahalamang dagat tong si jhec pwede na pag tsagaan!

"tutulungan nga kita :) in one condition"

"ano naman yun?"

"pretend na ikaw talaga ang boyfriend ko! :) 2 weeks na lang naman tapos na ang klase kaya 2 weeks lang"

"HA!? GUSTO MO BAKO MASAPAK NILA JAY AT DRAKE!?"

"tss bakit nila sasapakin ang boyfriend ko? *evil laugh*"

"ayoko!"

"bahala ka pag di ka pumasa baka mapastop ka sa pagaaral. tsk tsk tsk"

"nangunsensya pa! sige na, oo na. Pero pano ba natin sila mapapaniwala?"

"ibibigay ko sayo lahat ng details bukas ng umaga kaya pumasok ka ng maaga"

----------------

anong nangyayari sa update na to?

Vote naman kayo :)