Kabanata 43

917K 25.7K 16.1K

Kabanata 43

Choice

Napahawak ako sa aking pisngi. Nanuot ang hapdi ng sampal ni Erin sa akin. Nakaawang ang bibig ko at nagbabadya ang mga luha ko sa pagtulo.

"Kailan lang?" Tanong ni Erin.

Mabilis ang kanyang hininga at tumutulo ang kanyang luha. Si Chanel naman ay umiiling sa kanyang likod at si Claudette ay pinipisil ang kanyang daliri habang umiiyak sa kaba.

"Erin, let me explain..."

"What explain? My God, Klare! May hinala ako, e, pero di ako naniniwala! I thought you were better than that? At ngayong napatunayan ko na? Oh shit! You are such a lustful girl!"

Umiling ako. "Erin, hindi ganon-"

"All this time? 'Yong pagtulog ba ni Elijah sa kwarto mo, may nangyayari sa inyo?"

"ERIN! Hindi ganon!"

"Holy shit." Tinakpan ni Chanel ang kanyang bibig at pumikit na parang nandidiri.

"Edi ano, Klare? Anong meron sa makasarili ninyong relasyon? Hindi mo ba nakitang mag pinsan kayo? Hindi mo ba naisip na lumayo?"

"Erin, you think hindi niya na isip 'yon all this time?" Singit ng nanginginig na si Claudette sa likod.

"Shut up, Clau. What kind of cousin are you? Alam mo ang totoo ngunit hinayaan mo sila! This is a disgrace to our family! To yourself, Klare! Sa inyo ni Elijah!"

"Alam ko, Erin-"

"Alam mo pero nagpatuloy ka?" Sigaw ni Chanel at lumapit sa akin. "Are you out of your mind? Alam mo ba kung anong mangyayari sa inyo ni Elijah? Kakamuhian kayo ng mga parents natin! This is all wrong in the eyes of the society, in the eyes of God! For goodness sake, magising ka!"

Bumuhos ang luha ko. Alam kong tama sila. Alam ko ring alam ko iyon noong una pa lang pero naging makasarili ako. Masyado kong dinamdam ang feelings ko para kay Elijah. Hindi ko inisip ang kinabukasan. Hindi ko inisip ang kahahantungan naming dalawa.

"Oh shit, this is really disgusting. Hindi ko kayang isipin." Bulong ni Chanel sabay tingin sa mariing pumipikit na si Claudette. "I don't know why you put up with their shits, Dette."

"Tanggap na naman 'yon. Chanel, hindi tayo ang unang pamilyang may ganito-" Ani Clau.

"WAIT, WAIT, What? Naririnig mo ba ang sarili mo, Dette? Kung sakali bang bibigyan kita ng pagkakataon ay mamahalin mo ba si Josiah? Would you kiss Rafael? Can your stomach take Damon as your husband?"

Mas lalong pumikit si Claudette at nanahimik.

Alam ko. Alam kong hindi sang ayon si Claudette at sinuportahan niya lang kaming dalawa ni Elijah dahil mahal niya kaming pareho. She cared for us. And that was enough for me. Hindi ko kailangang masabihan na sang ayon sila sa incest. Gusto ko lang ng mga taong nakakaintindi.

"This is not lust! No wala pang nangyayari sa amin ni Elijah-"

"But you're thinking about it, aren't you?" Erin snarled. "Don't tell me hindi mo iyon naiisip? Seeing Elijah's body dripping in sweat, don't tell me hindi mo pa iyon naiisip?" Napangiwi siya. "You... you want him naked! You want him on your bed naked while he's kissing you endlessly!"

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!