♥♥Seven♥♥

Ilang araw na ang lumipas ng nagkasakit si lee.. Magaling na siya at okay na kami hehe

Pero umiiwas parin ako, syempre... Ayoko pang mahulog ng malalim sakanya, as in malalim na malalim dahil mahal na mahal ko talaga siya

"Uy! Tammy! May assignment ka?" Napatingin ako kay apple at umiling

"Woah! Bakit? Ngayon ka lang hindi gumawa ng assignment ah!" Napairap ako sa sinabi niya

"Napagod na rin akong gumawa.. Sa araw araw na ginawa ng diyos, wala man lang tumatama sa mga assignment ko.. Nakakainis, naghihirap ako pero failed parin tsk" nagtawanan naman ang barkada

Tignan mo itong mga ito, bapakabubuting kaibigan

Recess ngayon at andito kami sa cafeteria

Kumakain lang ako ng tahimik at nakafocus sa pagkain ko

"Uy.. Si lee yun diba?" Napatingin naman ako sa tinuro ni apple

Nakita ko kung paano niya akbayan si...vanessa..

B-bumalik na si vanessa.. Bumalik na ang sobra niyang mahal.. Bumalik na siya...

Bigla namang tumulo ang luha ko

"Ryeeeeee!" Napatingin ako kay lee na tinatawag ako

Nagpunas ako ng luha at nginitian sila

Lumapit sila sakin

Ang sakit.. Ang sakit ng makita silang masaya lalo na si lee

"G-girls, excuse me.." Sabi ko at umalis para hindi na sila makalapit sakin

At ayun, pinabayaan ko na lahat ng luha ko na kumawala

Nagkabalikan na kaya sila?

Ansakit isipin na mawawalan nanaman ako ng lugar kay lee.. Bakit ganito? Bakit lagi akong talunan...

Sana tinuloy ko nalang ang pang-iiwas ko sakanya.. Para hindi ganito kasakit ang maramdaman ko

Umuwi na ako pagkatapos ng klase namin.. Di talaga ako nagpakita kay lee.. Ayoko muna.. Ayoko muna siyang makita, para di ako masaktan.. Tama na muna ang sakit na nararamdaman ko

Pumasok ako agad sa kwarto ko at umiyak

Nakakainis.. Naiinis ako sa sarili ko.. Bakit ba kasi konting ngitu at hawak niya lang sakin bumibigay na agad ako.. Bakit ba hindi ko siya matiis.. Ayan tuloy, sobrang sakit..

Iyak, iyak, iyak.. Ayan ang ginawa ko sa kwarto ko..

*ring riiiing*

Napatingin ako sa cellphone kong tumutunog

Tumatawag si lee..

Hinayaan ko lang na magring ito

"Ayoko ng umasa sayo.." Bulong ko

Ang ingay ng cellphone ko kaya agad ko itong in-off

Iiwasan nalang ulit kita.. Ayoko ng masaktan eh

Di ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaiyak ko.. Nagising ako ng 7 am, pinagluto ko ng breakfast namin ni kuya

Bacon, eggs and hotdog.. Nagtoast din ako ng bread

Tulog pa si kuya kaya ako muna ang kumain.. Nagtira nalang ako para sakanya

Sabado ngayon kaya hindi ako abala sa paghahandang pumasok sa school

Pumunta ako sa sala, pinaandar ko ng tv at umupo sa sofa

Nakatunganga lang ako sa TV at iniisip si lee

I LOVE YOUBasahin ang storyang ito ng LIBRE!