Panimula ng lihim ni Harmony

100 13 1
                                    

Ang lihim ni Harmony

Ang kwento ng siyam na panahong pag-ibig sa gitna ng pagitan at distansya.

Sa kasaysayan, marami ng hindi inaasahang pag-iibigang naganap. Mga pag-iibigang kahit ang panahon ay humahadlang. Mga pag-iibigang hindi pinahihintulutan dahil nasa di tamang pagkakataon at nasa maling panahon ang dalawang tao.

Paano nga ba mabibigyang katuturuan ang pag-ibig? Ano ba ang tunay na pag-ibig?  Basta nga lamang ba itong salita na binigyan ng pakahulugan ng maraming tao o isang buhay na kataga? Hindi ko rin alam. Wala akong ideya. Wala akong ideya bago ko makilala ang dalawang taong nagkita sa walong panahon. Sa bawat panahon ay umaasa silang magiging masaya ngunit nagtatapos lamang ang kanilang kwento sa isang malungkot na pangyayari. Mga kasawian. Mga kasawiang parte ng tinatawag nilang tunay na pag-ibig.

Lihim ni PlacidaWhere stories live. Discover now