Pang labing-anim: First day

1.5K 43 0
                                    

First day

Nakatitig lamang ako sa kisame habang ang kamay ko ay nakataas. I'm doing this when I'm stress or tired of everything.

This is our first day of school. Ilang araw narin ang nakalipas. It's been a week since. Naging paulit-ulit ang routine ko.

Naging busy si Selene. Actually lahat sila naging busy kaya ako na walang ka alam-alam sa mundo nila at sa kung anong ginagawa nila ay naging tambay dito sa palasyo nila.

"Mahal na Hera, kailangan niyo na pong bumangon." ani ng katulong sa akin. I pouted my lips at tumingin sa kanya.

"Wala pa rin ba si Lawson?" I asked her. Umiling siya kaya agad akong napatayo.

"Nakauwi na po siya," aniya.

"Tulungan mo muna akong makapasok sa kwarto niya na walang nakakakita, okay?" sambit ko at hinawakan siya.

"Pero mahal na Hera,"

"Shh, paki-usap?" sambit ko at napa payag ko naman siya. I don't know what am I thinking right now, pero iisa lang ang gusto ko mangyari sa ngayon dahil miss na miss ko na siya!

Alam ko na walang kami. Eh ano naman ngayon? MU kami! MU!

Nakapasok ako ng maayos sa kwarto ni Lawson. Wala akong makita dahil walang ilaw. I just about to open the lights ng halos mapatalon ako ng may humawak sa kamay ko.

Nakita ko ang mukha ni Lawson.

Nakaka siraulo din na kanina wala akong makita pero mukha ni Lawson nakikita ko?!

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya using his deep voice.

I cleard my throat at sinubukan kong umalis dahil masyado na kaming malapit.

Hinayaan naman niya ako na ma ka-alis at makalayo sa kanya.

"A-alis na ako," sambit ko at tumalikod na sa kanya.

Hindi man lang niya ako pinigilan? What's wrong with him?

Bumalik ako sa kwarto ng nakasimangot. Nag ayos narin ako ng sarili ko at nag suot rin ng uniporme. Kakaiba rin ang uniporme nila dito. Mahaba ito na may logo ng school nila sa gilid.

Nakaka panibago lang. Buti nalang hindi ito katulad ng pilipinas na sobrang init. Dahil ang ganitong klase ng damit hindi makakatagal sa pilipinas.

I'm done fixing myself. Nalaman ko rin na nakauwi na si Drix. He's a bit late at late na rin siya makaka pasok. Hindi na rin kami nakakapag usap ni Drix ng maayos. Naramdaman ko na umiiwas siya sa akin, and I didn't bother to ask because it was for our own good too. Mabuti na rin 'yon para di na siya masaktan.

I was expecting to saw Clyde in the campus today. Sana lamang ay makita ko siya dahil ito rin ang dahil kung bakit gugustuhin kong pumasok sa school nila.

"Dala mo mga books mo?" tanong ni Selene. I nodded.

"Paniguradong magiging matunog ang pangalan mo sa paaralan, maganda ka at bagong studyante," ani ni Selene.

"Hindi naman," I answered. She just laughed at lumabas na kami ng palasyo at sumakay na sa kalesa.

"Selene, kinakabahan ako." sambit ko. Tumingin siya sa akin. She smiled.

"Wag kang kabahan, andito naman ako. Tutulungan kita parati,"She said. I nodded.

"Alam ko naman 'yon kaso di ko maiwasan,"

"Katulad lang din naman ito sa paaralan mo sa Osses. Yun nga lang mas malaki ang Silverymoon pero hindi ibig sabihin no'n na kailangan mo ng kabahan, Hera ka. Wala kang dapat ika-kaba diba?" sambit niya. Napatango na lang ako. Selene was always right. Kapag nag sasalita siya wala na akong masabi kasi palagi iyong tama. I saw her as a smart lady not just a beautiful face. She's very brave too. Very admirable.

GENASIWhere stories live. Discover now