Nanliit ang mga mata ko nang tinitigan ko siya. Nakatingin siya sa daan at natatawa parin.

"Anong gift mo sakin?" Tanong niya.

Uminit ang pisngi ko. "Hindi naman ikaw 'yong nabunot ko."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang gabi gabi kong iniisip kung ano ang maibibigay ko sa kanya. Wala akong alam. Kilalang kilala ko siya ngunit hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya kaya ginawa ko iyang alibi dahil wala pa akong maisagot.

"Madaya 'to." Sumulyap siya sakin.

Tumawa ako. "Alam mo bang si Azi ang nakabunot sayo?" Kumunot ang noo niya.

"What? Ba't mo sinabi! Dapat ay secret iyon!" Angal ko.

"I want to just kill him. Gusto ko sanang magpalit kami kaso hindi siya pumapayag. At isa pa, siya ang nabunot ko kaya kung magpapalit kami, siya 'yong magbibigay ng regalo sa sarili niya." He sighed.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Elijah's so cute when he's frustrated. Nakita kong nag iba ang ekspresyon niya nang tinigil niya ang sasakyan sa bahay namin.

"Erin's here." Aniya.

Naaninag ko agad ang nakahalukipkip na si Erin sa baba ng building namin. Kinalas ko ang seatbelt ko at lumabas na. Naka uniporma siya at bitbit niya pa ang mga libro niya.

"Erin?" Tanong ko.

Ngumisi siya. "Hinihintay ko lang si Ate Chanel. Sabi niya dito ako maghintay, e." Sumulyap siya sa kakalabas lang na Elijah at biglang may bumusina sa likod ko.

Nilingon ko at nakita ko ang kotse ni Chanel na nagpark malapit sa Chevy ni Elijah.

"Oh, there she is!" Sabay turo ni Erin at umalis na agad para pumasok doon.

Binaba ni Chanel ang salamin at nakita ko agad ang mapanuring mga mata niya. Pabalik balik niya kaming tiningnan ni Elijah bago kumaway at umalis. Kumalabog ang puso ko. Gusto kong balewalain pero hindi ko magawa. I know there's something fishy about that scene.

"Elijah, tingin ko nakakahalata na sila." Sabi ko.

Kinagat ni Elijah ang kanyang labi. Tiningnan ko lang siya ng nakakunot noo at lumipad ang pag iisip ko sa araw na mabubuking kaming dalawa. "Alright, we'll loosen up." Aniya.

Lumunok ako at tumango.

"I don't want you upset over this. We'll loosen up."

He's true to his word. Nang nag tipon kaming mag pipinsan para sa nalalapit na family christmas party ay wala si Elijah.

"Elijah's not here yet? No shit?" Ani Azi nang isang oras na siya sa bahay at wala parin si Elijah.

"Where is he, Klare?" Tanong ni Erin.

"I don't know." I lied.

Ang totoo niyan ay nagpaalam siya sa aking magpalipas na lang muna ng araw sa gym dahil sa pagiging busy ko. Sinabi ko rin sa kanyang hindi na muna ako mag titext habang nandito sila. Inabala ko ang sarili ko sa pag bi-bake ng meryenda namin.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!