Kabanata 42

1M 26.5K 15.2K

Kabanata 42

Christmas

Mabuti na lang at pagkatapos ng Xavier Days ay naging busy na ulit kami sa school. Hectic na ang schedule namin sa sobrang daming ipapractice. Maging ang Physical Education na subject ay nangangailangang tutukan. Halos araw-araw akong pagod dahil sa mga ginagawa namin sa school.

"Klare, lunch?" Tanong ni Elijah nang naabutan niya kami sa benches sa tapat ng Chapel sa loob ng school.

Napansin ko ang pagtingin sa malayo ni Hannah at ang bulong bulungan ni Julia at Liza sa gilid.

"Uh... Uhm... Sumama ka na lang muna kina Josiah, Elijah. Sasama ako sa kanilang mag lunch, e." Sabi ko.

Madalas ay kami ang magkasama ni Elijah sa lunch. Pwedeng sa bahay o sa fastfood. Madalas ay kasama namin si Azi o si Claudette. At ang mga madalas na araw na iyon ay tuwing wala sina Erin, Julia, Hannah, at Liza na nakaabang. Ngayon, nakasama ko sila dahil sa isang reporting namin bago magbakasyon.

"Oh, okay." Pinasadahan ni Elijah ng tingin ang mga kasama ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin nakakarecover si Hannah sa ginawang pagtanggi ni Elijah. Ni hindi ko nga alam kung nagkausap na ba ang dalawa simula noon. Simula rin kasi noon ay palagi na lang kami ang magkasama ni Elijah.

"Sige, enjoy your lunch." Ngumiti siya at umalis nang inaakbayan ni Azi.

May sinasabi na naman si Azi sa kanya at paniguradong tungkol na naman iyon sa mga babae. Minsan gusto kong patahimikin na lang si Azi. Masyado siyang maraming maibibigay na ideya kay Elijah. Naisip ko minsan na pwedeng umalis na lang si Elijah at iwan ako sa oras na makahanap sila ni Azi ng 'perfect' girl. Lalo na't may sabit ako at ang mahanap nila ay wala, mas nakakalamang talaga ang ibang babae. Pero naisip ko ring wala nang puwang ang pangamba para sa akin. Alam ko na may hangganan ang sa amin ni Elijah. Kung makahanap man siya ng iba sa mas madaling panahon ay mas mabuti na rin iyon. Hindi pa masyadong nag uugat ng malalim ang damdamin namin para sa isa't-isa. Hindi nga ba?

"Si... Elijah ba ang palagi mong kasama sa lunch, Klare?" Tanong ni Erin habang nanliliit ang mga mata.

"Uh, madalas si Claudette." At kasama parin si Elijah pero hindi ko sasabihin iyon.

Tumango si Erin ngunit nanatili ang titig niya sa akin.

Lumipas pa ang ilang araw at mas naexcite ang mga kaibigan ko sa Christmas Party na ipaplano. December 27 pa naman iyon gaganapin pero excited na sila. Nagkaroon na rin kami ng kringle. Iyon nga lang, dahil masyado kaming marami ay malabong nasa mga kaibigan ko lang ang mabubunot ko. Ang nabunot ko ay isa sa mga lalaking kaibigan ni Chanel. At ang nabunot naman ni Elijah ay si Azi.

"Anong ibibigay ko sa kanya? Sex toy?" Ani Elijah.

Sinapak ko siya nang narinig ko iyon. Nasa loob kami ng sasakyan niya at papauwi na kami ng bahay.

"Baliw ito!" Sabi ko.

"Totoo naman. Kesa humanap siya ng babae diyan at magkasakit lang siya, mabuti pa ganon na lang."

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!