Kabanata 41

1M 26.6K 17K

Kabanata 41

Binabantayan

Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso na agad ako sa roofdeck. Naabutan kong nag ba-barbecue ang mga boys at ang mga girls ay naghahanda sa mesa. Gabi na at lumalamig na din. Kitang kita ko ang mga christmas lights na nakahilera sa katabing mas mababang building.

“O, lika na, Klare." Sabay ngisi ni Claudette sa akin.

Naisip ko tuloy... kung sasabihin ko kaya kay Claudette 'yong nangyari tungkol kay Ate Yasmin, ano kaya ang maipapayo niya sa akin? Suminghap ako at lumapit sa table. Hindi ko alam. Hindi ko mahinuha. Sang ayon lang si Claudette sa aming dalawa ni Elijah dahil pareho naming mahal ang isa't-isa. Ang totoo ay talagang hindi niya sana gusto na makaramdam kami ng ganito. Who would like that anyway?

"Okay ka lang?" Tanong ni Claudette.

"Oo naman." Ngumiti ako at nilatag ang mga baso sa mesa.

Nag angat ako ng tingin nang naramdaman kong may tumititig sa akin. Nakita kong pinapanood ako ni Elijah habang nagtatawanan sila ni Azi. Si Rafael, Azi, at Elijah ay parehong shirtless na pinapaypayan ang barbecue na ginagawa. Kinunot ko ang noo ko ngunit ngumuso siya para mag pigil ng ngisi.

"Di ko parin gets. Saan ka galing kanina, Klare?" Tanong ni Erin sa akin.

Bumaling ako sa kanya at sinagot ko siyang galing akong Limketkai, mag isa, at naghanap ng mabibili. Hindi ko kasi pwedeng sabihing namili ako gayong wala akong dala kanina pagkauwi ko.

"So buong araw ka doon? Sabi ni tita maaga ka dawng umalis patungong school." Nagtaas siya ng kilay.

"Ah-"

"Erin, what are you? The police? Leave her alone." Utas ni Elijah sa malayo.

Dammit! Alam kong dinidepensahan lang ako ni Elijah ngunit mahahalata na talaga ako pag nagpatuloy siya.

"Alright, alright, I'm just curious. Pumunta ka ng school tapos sa mall." Tumango tango si Erin at umupo na sa monoblock chair.

Umupo na rin kami nina Claudette at Chanel habang hinihintay na maluto 'yong barbecue.

"Hindi ako mag o-overnight, a?" Sabi ni Chanel.

"Hindi rin naman ako pwede." Sabi ni Claudette. "And Kuya Azrael."

Tumango ako.

"Ang dami kasing gagawin. Xavier days nga, pero homework avalanche naman!" Tumawa si Claudette.

"Aww. Pwede namang next time na ang homework." Simangot ni Erin.

Hindi sumang ayon si Claudette sa sinabi ni Erin. Lumapit naman si Azi sa mesa para kumuha ng baso at mag salin ng tubig.

"Buti pa i-try na talaga natin bukas 'yong horror house!" Tumawa si Azi sabay tingin kay Erin.

"Ayoko nga! Baka makahanap lang tayo ng away don!" Umirap si Erin kay Azi.

Lumapit din si Elijah sa amin at umupo siya sa katabing monoblock chair ko. Inikot niya muna ang silya para bumaliktad saka umupo. Sinandal niya ang braso niya sa likod ng silyang nasa harap niya ngayon. Hindi ko siya malingot. Dammit, he's shirtless beside me! Lumunok ako at naisip na hindi naman ito ang unang pagkakataon.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!