27: Fault

9.5K 212 4
                                    

Cynich's



"Ako na po ang bahala kay mama. " sabi ko sa mga tauhan ni dad. Lumabas naman sila pero naiwan si Victor at tinignan ako na parang nag aalala.

"Sam, 12 years old ka palang. Baka may mangyari sa inyo. " angal pa ni Victor pero ngumiti lang ako at umiling.

"Victor, inaalagaan ako ni mama pag may sakit ako kaya aalagaan ko rin sya. " paliwanag ko at tinignan si mama na naka ngiti samin habang nakahiga. Umiling lang si Victor at lumabas rin ng kwarto.

Binuksan ko ang pintuan sa aming balkonahe at pinuntahan si mama na nakahiga lang sa aming kama. I doesn't want to see her like this. Hinang hina na ang itsura nya at parang napakataas ng lagnat ni mama. If I could only transfer her fever to me.

"Wag pasaway, okay? Be a good boy, Sam. Momma loves you. " paalala ni mama at umupo sya sa gilid ng kama. Tumango ako at niyakap sya ng mahigpit. She's the first woman who made my heart flattered, the  first woman who show me what true love is, the first woman who made me cry just because I don't want to lose her. My mother is my first love.

"Mama, do you want to eat? " pasimple kong pinahid ang luha sa pisngi ko at tumayo ng tuwid sa harap nya. I'm her big boy. And big boys don't cry.

"Seria Draylen. Now, I found you. " parehas kaming napatingin ni mama sa may balkonahe at nakita namin dun ang lalaking nakaitim na coat. Para syang bida sa mga napapanood kong detective files.

"What do you want?! " sigaw ni mama kahit nanghihina na sya. Hinawakan ko ang braso nya. My mom is sick. She needs to rest.

"Sumama ka sakin at sabihin mo ang lahat lahat. Ipapangako ko, walang mangyayari sa mga anak mo. " ani ng lalaki at dahan dahang lumapit sa amin. Nakita ko naman ang patagong pagkuha ni mama sa baril mula sa ilalim ng kama at agad iyong tinutok dun sa lalaki.

"Go away or I'll kill you? " agad akong kinilabutan sa sinabi ni mama. My mom can't do that. She can't kill! She's not a killer! Mabait ang mama ko. Hindi nya kayang pumatay.

"Easy--- " bago pa makatapos ang lalaki sa sasabihin nya ay kinasa na ni mama ang baril. Napapikit ako at iniwasang makita ang susunod na mangyayari. I don't want to witness anything. Hindi ko ata kakayaning makita si mama sa ganung karahas na paraan.

And then suddenly my world was wreck after hearing the gunshots.

"What happened?! " napamulat nalang ako at nakita ko si dad na hawak hawak si mama... nakahandusay sya sa sahig at naliligo sa sarili nyang dugo.

I just felt my tears falling from my eyes to my cheeks. My mom's not dead! Hindi pa sya pwedeng mamatay! Sabi nya magpapagaling pa sya. Hindi pa sya pwedeng mamatay.

"Find him! " sigaw ni dad at agad namang sumunod ang mga ripper at pumunta ang iba sa may balkonahe. Nakarinig pa 'ko ng mga putok ng baril.

"Sam, what happened? " mas mahinahon na tanong ni ate Andy sakin. Niyakap ko sya at mas lalong lumakas ang aking pag iyak. This wasn't happening.

Napabitaw ako sa pagkakayakap kay ate Sandy dahil marahas akong hinila ni dad patayo. Nagkamatsya pa ng dugo ang mahabang manggas ng aking polo dahil sa mga kamay nya.

"It's all your fault! Hindi sana mamamatay ang mama mo kung hindi mo pinaalis ang mga tauhan ko! " tinulak ako ni dad kaya agad akong napaupo sa sahig. I saw furry in his eyes and it looks like he's blaming me.

I was so scared. The blame is all on me. My dad is blamming me. It's all because of me! Kung sana ay pinagtanggol ko si mama. Kung sana ay hindi ako mahina

"Get out! " sigaw ni dad at tinuro ang pintuan. Wala akong nagawa kundi ang sundin sya. My dad will hate me for this. This is my fault. This is all my fault.

-

"Go! " bulong ni Victor sa aking tenga. I pull the trigger and shoot Cedric Carter using my sniper.

After my mom died, my dad trained me. I know everything, now. Akala ko ay simpleng tauhan lang sila ng daddy ko, but then, they are our reapers. They kill and fight for our organization. Our Draylen Reapers.

I was just thirteen years old. But I killed a detective, the one who killed my mother. Buhay sa buhay, ganun kami sumingil. This is how we play. Our name rules everything. It's our life. Draylens were different. Draylen is a Mafia, Draylen kills and sad to say, I'm born to be one of them.

-


"Be with her. Use this. " binigay sakin ni ate Andy ang isang makapal na libro. Niyakap ko ang librong iyon at tinignan sya. I don't want to leave her. I want to be with her. Sya nalang ang natitira na mayroon ako.

"I'll fix everything first. Manang, take care of him. Please, raise him like a normal child. " nakita ko ang mga luhang lumadas sa mata ni ate. I don't wanted to see her cry. Lumuhod si ate sa harapan ko at hinawakan ang aking mga balikat.

"Forget about Draylens. Use our mother's surname--- Hemsworth is what you are. Be a good boy, okay? I love you... " niyakap nya 'ko sandali. Bigla rin syang bumitaw at tumakbo papunta sa kanyang sasakyan. Yumakap ako kay manang at umiyak. No one's left for me. Si mom, si ate at si dad. My dad hated me. Ginawa ko na ang lahat para patunayan ang sarili ko, I killed Mr. Carter but that wasn't enough for him.

"Maging mabait ka daw, okay? Ako na ang mama mo simula ngayon. " ani manang at sinuot sakin ang isang makapal na salamin. From now on, I will be Sam Cynich Hemsworth.

----

"Don't do that, Sam! " sigaw sakin ni ate Sandy at inagaw ang hawak kong baril.

Nanginig ang aking mga braso at nag tiim ang aking mga bagang. I'll kill him. No one can dance with my girl. Zenn is mine, only mine!

"Zenn deserves to enjoy this party. Don't do anything. " ani ate Sandy at pinanood si Zenn na nakikipag sayaw sa isang lalaki.

Meron  sa sistema ko ang biglang uminit. Para akong bomba na isang kalabit lang ay sasabog na. I hate Zenn for being so pretty and kind for tonight. Lalo na nung nakita kong nakikipag usap sya at nakikipag ngitian sa lalaking yun.

"I'll make him suffer. " bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang baril kay ate Sandy at nilagyan iyon ng silencer.

Pinanood ko kung paano tumapat sa kanila ang spot light. Kung paano pumalakpak ang mga tao. Kung paano hawakan ng lalaking yon ang bewang ni Zenn. Kung paano sila lagyan ng sash at kung paano nila ngitian ang ibang tao.

That should be me.

"Time. No one can touch my girl. " nilagyan ko ng mask ang aking muka at tanging mata lang ang kita. Itinaas ko ang baril at nakita ko ang pagtitig sakin ni Zenn.

Umiling ako at agad na tinutok ang baril dun sa lalaki at agad na kinalabit ang gatilyo. That's the pay back for holding my girl's waist, for talking to her, for dancing with her and for holding her hands and giving her some malicious smiles.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon