Kabanata 40

1M 27.1K 12.9K

Kabanata 40

As Long As I Can

Hindi ko alam kung saan ako mangangapa ng salita habang hinihintay si Ate Yasmin na dugtungan ang kanyang sinabi. Ngumunguso siya sa screen na para bang nahihirapan sa sasabihin.

“Klare, may relasyon ba kayo ni Elijah?” Tanong niya.

Para akong sinakluban ng langit at lupa. Alam ko na ito ‘yong itatanong niya pero umasa akong nagkakamali ako. Laglag lang ang panga ko at ilang segundo akong ganon habang pinapanood siya sa screen.

“A-Ate, we’re cousins!” Katwiran ko.

“That’s why.” Nagseryoso siya.

Nanginginig ang labi ko. “Ate, p-paano mangyayari ‘yon?” Natawa ako.

Napatalon ako sa biglang kumatok sa kwarto ko. Naka lock ang pinto kaya hindi makakapasok.

“Wait lang!” Sigaw ko.

“Klare? What’s taking you so long?”

Oh shit! Si Elijah pa talaga! Dammit!

“Elijah, N-Nag...” Pumikit ako. “bibihis pa ako.”

Bumaling ako sa kay Ate Yas na ngayon ay tulala sa isang bagay na hindi ko nakikita. Narinig kong umalis si Elijah. Hinayaan niya akong 'magbihis'.

“My brother is honest, Klare. Kilala mo si Elijah. Kung hindi niya gusto, hindi niya gusto. Kung gusto niya, makikita mo ‘yon. And for the past weeks, I’ve heard him mention your name hundred times tuwing tumatawag ako. Kung wala kayong relasyon, then tell me, may nararamdaman ba siya sayo?”

Umiling ako. I’m still sure I’ll deny this.

Kumunot ang kanyang noo at umiling din siya. “That’s good kung ganon.”

“Ate, pinsan ko po siya-”

“Kaya nga mas lalong hindi pwede, Klare. Hinding hindi pwede kayong dalawa.” Diretso niyang sinabi. “Klare, I’ll be honest. I’m not buying your statements. Alam ko kahit hindi ko tinatanong si Elijah. I came straight to you kasi alam kong sa oras na tanungin ko siya nito ay baka mawalan ako ng communication sa kanya. I can see that he’s... fiercely in love with you.”

“P-Po?”

Nangingilid sa mga mata ko ang luha. Dammit! Klare! Dammit! This is what you get! Stop being so emotional about this. Ito naman ay kasalanan mo. Hindi ako huminga para mapigilan ang luha ko.

“Tuwing sinasabi ko sa kanyang tulungan ka niya sa ibang lalaki, he would get mad at me. At palagi siyang pumupunta sa inyo. Palagi siyang natutulog sa bahay niyo.”

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mga mata ko. Sana ay balewalain ito ni Ate Yasmin. I’m freaking scared.

Malungkot niya akong tiningnan. “Kumatok siya kanina, hindi ba? He’s always concerned about you. Always you. Klare here, Klare there. No room for other topics. Klare in the gym, Klare’s assignment, at kung anu-ano pa.”

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!