Part 4- First meet

0 0 0

Kc's POV
Wala kaming ginawa sa 6 na subject kundi mag introduce ng sarili sa unahan. At yun ang pinaka ayaw ko. Mahiyain kasi ako e. Pero dahil dun may ilan na agad akong naka close at naging kaibigan. Lalo na itong dalawa kong katabi. Si Celina ang una kong nakilala kasi maaga sya dito kanina. At ito namab si Nathalia na medyo late ng dumating, kaya sa left side ko nalang ang natirang vacant seat, kaya dun nasya naupo....
"Sa wakas natapos din ang pag iintroduce nayan, ang sakit na ng paa ko e." Pag rereklamo ni Celina
"Kaya nga. Syaka nagugutom nadin ako e." Pag sangayon naman ni Nathalia.
"Mga sister una naba kayo sa cafeteria? Aantayin kopa kasi kambal ko e." Pag tatanong ko sa kanila.
"Sabay sabay na tayo mga sister dun din naman ang punta natin diba?" Sabi ni celina. At nag agree nalang si Nathalia. Medyo na tagalan din dahil ang tagal dumating ng kambal ko. After 5 minutes.
"Sorry late ba ako? Nakakaasar kasi yung isa naming prof e nag pa over time, first day na first day." Pag hihingi nya ng tawad.
"Okay lg sinamahan naman ako ng mga sister ko e. Nasa cr lang sila."  Pag sasabi ko kay kambal. "Sino sila?"  Pag dagdag ko pa. Infairness ang galing pumuli ng kambal ko ng kakaibiganin ha. Gwapo at Hot. Hahaha joke
"Ah sila ba? Ito si Kyle, sabay turo dun sa nasa kaliwa nya na medyo matangkad at matangos ang ilong. Ito naman si Jd ang bagong kambal ko, sabay turo dun samay kanan nya Matangkad ito, malaki din ang katawan at matangos ang ilong.
"Kuya?" Sabi ng kalalabas lg sa classroom na si Nathalia.
"Kapatid mo? Sabay naming tanong ng kambal ko.
"Lia classmate mo sila? Tanong naman ng kuya jd daw nya. Hahaha
"Teka nga teka nga. Ano ba at tanungan kayo ng tanungan e wala pa ngang nakakasagot sa unang tanong nyo." Pag saway na sabi ni celina. Pwede na din matanda kasi sya saakin ng isang taon e.
"Ganto kasi yan mga sister. Itong nasa harap nyo ngayon ay kapatid ko, si kuya jd." Pag papaliwanag ni nathalia sa amin.
"Ah okay. Ito naman ang kambal ko si kuya jeffrey. Mas matanda sya saakin ng mga ilang seconds lang." Pag papaliwanag ko din sa kanila. Nays hahaha. Kapatid sa kapatid. Jooooke.
"Tara na nga at tayo'y kumain na. Gutom na talaga ako e." Pag extra ni celina sa usapan.
"Mabuti pa nga. Baka nakakalimutan nyo may training pa tayo mamaya." Pag extra naman nung Kyle sa tabi ni kambal. At dahil dun, nag tungo na kami sa cafeteria.

Jd's POV
Di ako makapaniwala na ganun ka ganda ang kapatid ni ni jeff. Nakakainlove. Hahaha joke, pero totoo ang ganda nya talaga. At satingin ko mabait yun. Di naman kasi makikipag kaibigan dun si Lia kung mataray yun e. Hahaha andito na kami ngayon sa cafeteria. Ang ganda pa ng pwesto namin ha? Nag request kasi ito si jeff kung pwedeng tabihan nya ang kapatid ko.
  FLASHBACK
Nag lalakad kami papuntang cafeteria ng biglang bumulong si jeff.
"Oy bro pwede ba akong mag request?" Pag tatanong nito.
"Ano yun bro? Basta wag nating ikapapahamak yan ha? Hahaha" pabiro kong sabi sakanya.
"Oo naman pre. Mukhang na love at first sigh ako sa kapatid mo e." Seryoso nitong sabi. Naniniwala naman ako sa mokong nato kasi mag ka ugali kami, syaka dati ko nasyang nakasama sa isang game namin nung G10 kami, naka laban kasi namin ang school nila nun. Dun medyo na ka close kona sya.
"Ano ba bro ang request mo?" Diretsyo kong tanong.
"Hayaan mo muna sana akong makatabi ang kapatid mo ngayon, para makipag kilala nadin ako." Seryoso nyang tugon.
"Basta yun lang bro ha? Malilintikan ka sakin pag may ginawa kang masama." Sabi ko sakanya. "Bro pwede bang ako din tabihan ko din yang kambal mo , para makipag kilala din ako? Mahina kong sabi sa sarili ko. Haha

@Cafeteria

Jeffrey's POV
Andito kami ngayon sa cafeteria para kumain. Manlilibre ako ngayon para sa new friends namin ni Kc.
"Ano order nyo? Libre ko." Sabay na sabi namin ng kambal ko. Minsan napapaisip ako, kung parehas ba kami ng utak ng kambal ko kasi kung ano naiisip ko yun din ang naiisip nya, kung ano gusto ko ganun din gusto nya. Minsan nga nag tataka ako kung babae ba talaga ang kambal ko e, para kasi tomboy. Hahahaha.
"Gayagaya ka talaga." Sabay ulit naming sabi. Na ikinatuwa ng barkada.
"Kakapalan ko na yung muka ko ano? Pero gutom na kasi talaga ako e, kaya kayong dalawa nalang siguro ang manlibre." Pag sabi at tawa ni ate celina.
"Sige na nga. Ano ba inyo Bro? Sayo Nathalia? Sabi ko ng may pag titig at ngiti. Haha ganto nga ata pag inlove.
"Lia nalang, para di naman syado mahaba. Hahaha." Pag eexplain nya sa pangalan nya. Kahit gano payan kahaba. Mamahalin padin kita. Hahahha
"Kung ano nalang din ang inyo bro yun nalang din ang amin." Sabi ni jd. "Bro bawal nga pala ng malansa si Lia ha." Pahabol nya pang sabi.
"Ah bakit bro?" Pag tatanong ko kasi na cocurious ako.
"Sa tingin mo kuya ito yung time para mag tanungan kayo? Gutom na kami o. Pwede mamaya na lang pag nakain na tayo? Pag angal ng kambal ko.
"Tama. Gutom na kami e. Hahaha" pag tawa naman nila ng malakas. At ayun nga. Omorder na nga kami........ At natapos na kami kumain kaya naman mag hihiwahiwalay na naman kami. Haaaays ang saya ng bagong tripang nabuo namin ngayon first day.
"Kambal sama ako sa training nyo ha?" Sabi ng kambal ko.
"Lagi naman e. Sanay na ako. Tara na nga." Pag sang ayon ko nalang.
"Saan kaba muna lia? May training pa kami e." Kinig kong sabi ni jd sa kapatid.
"Sama nalang muna ako kuya, wala naman akong gagawin sa bahay e." Sabi ni lia na ikinatuwa ko.
"Sige lia sama kana, para may kasama din tong si Kc." Masigla kong sabi. Tumango naman sya.
At nag punta na nga kami ng gym para mag training ng basketball.....

×××××××
Thanks sa support.
Vote&Comment mga kapamilya

"My Dream Come True"Read this story for FREE!