Chapter4: APOY AT KIDLAT

Magsimula sa umpisa
                                    

"At sumasagot-sagot ka pang salot ka!" sigaw ni Prince. "Malas na nga, wala pang kwenta!"

Hindi inaasahan ni Andrea ang sinabi ni Prince parang out-of-character dahil ang akala niya ay mahinahon at maingat ang student council president. Napagtanto niya na hindi pa niya talaga kilala ang mga kasama sa Elemento Club.

"Anong sabi mo?!" nagliyab ang mga kamao ni Steve.

Hindi naman nagpasindak si Prince at bumuo ng isang tambuhalang panakol na yelo. Naging kulay asul naman ang kanyang dating maputlang balat dahil nabalot na ito ng yelo.

"Prince! This is not the time!" pakiusap ni Bela.

"Chill lang pre!" dagadag naman ni Amiro.

Ramdam ni Andrea ang tensyon sa pagitan nina Prince at Steve. Marahil malalim ang pinaghuhugutan ng dalawa kaya galit na galit sa isa't-isa.

Pero may napansin si Andrea, isang katotohanang kitang-kita...

Walang kakampi si Steve.

Sina Bela at Amiro ay nasa tabi ni Prince. Ang student council president ang kanilang inaamo.

Steve...

Hindi malaman ni Andrea kung bakit apektado siya kay Steve. Kusang gumalaw ang kanyang mga hita at lumapit dito.

"Steve." mahinang tawag ni Andrea. Hindi niya alam ang sasabihin. Labis siyang kinakabahan sa napakainit na titig ni Steve pero hinarap niya ito.

Nagulat si Steve sa ginawa ni Andrea. Hindi niya ito inaasahan. Nasanay na siya na walang lumalapit sa kanya at lahat ay pabor kay Prince pero he'to ang transferee na hindi sa kanya natitinag at tanging may lakas na loob na makipagtitigan sa kanya.

"Steve. Magtulungan tayo para matalo ang Himaw." pakiusap ni Andrea.

Si Steve ang unang kumurap at unang bumaling ng tingin.

"Bahala kayo!" galit na sagot ni Steve.

Lumingon si Andrea kay Bela at tumango.

"Thanks, Andrea!" nakangiting sagot nito.

Tinawag ni Bela ang kanyang taong-bato na agad naman sumalubong at walang kahirap-hirap na siya ay pinaupo sa malapad at masgaspang nitong balikat.

"I want you to grow vines and branches!" sambit ni Bela at hinalikan ang pisngi ng taong-bato.

Saglit na napanganga si Amiro, labis siyang nainggit.

Mula sa pisngi na hinalikan ni Bela ay may sumibol na dahon hanggang sa nagpatuloy na lumago at ang dating mabatong katawan ay naging purong kahoy at mga baging.

"And my finishing touch..." nilagay ni Bela ang rosas na pinatubo niya sa kanyang palad sa may ulo ng dating taong-bato na ngayon ay taong-puno.

Pagkababa ni Bela sa madahon nitong balikat ay agad-agad na sumugod ang taong-puno. Ang lahat ng mga daliri nito ay lumago, humaba at naging mga baging at sanga na mabilis na pumulupot sa maputik at matabang katawan ng Himaw. Hindi na ito makagalaw at sa bawat pagpupumiglas ay ang paghigpit ng pulupot ng mga baging at sanga.

Umungol sa galit ang halimaw at ngumanga ng malaki upang muling magbuga ng hangin pero nakahanda na ang dragon na tubig ni Amiro at agad na pumasok sa bunganga nito!

Tuloy-tuloy ang pagpasok ng tubig sa tiyan ng Himaw hanggang sa sobrang lumobo ito. At dahil sa patuloy pa rin na pahigpit ng pahigpit ang pagpulupot ng mga baging at sanga, sobra ang pagwawala ng halimaw.

"RROOOOAAARRRGRRRRRR!"

"Katapusan mo na!"

Si Prince naman ang umatake at buong lakas na hinati ang buong katawan ng Himaw gamit ang kanyang tambuhalang panakol na yelo.

Isang napakalas na sigaw at sumabog ang Himaw.

"MR. PRESIDENT?! BELA, AMIRO, ANDREA... STEVE?!" gulat na gulat na sigaw ng maliit at nakasalamin na estudyante na nagising dahil sa ingay ng Himaw. "E'to pala ang ginagawa ng ELEMENTO CLUB! WOW! Ang galing-galing!" halos magtatatalon-talon na siya sa labis na pagkamangha.

"Sunny Montes!" iritableng tawag ni Prince.

Natigilan si Sunny. Natahimik at kinabahan.

"Y-Yes po, M-Mr. President?"

Si Prince naman ang natigilan. Ang gusto niyang itanong ay kung okay lang ba siya pero iba ang lumabas sa kanyang bibig.

"Ano bang pinagagawa mo? Ayos na ba ang lahat para sa Student Council meeting mamaya? I want everything to be organized - to be perfect! As my secretary I expect you to do your job well."

"Y-Yes po, Mr. President."

Nagulat naman si Sunny nang biglang lumapit si Prince sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit sobra siyang nilalamig kapag kausap ang student council president kaya naman lagi niyang suot ang kanyang pink na sweater sa taas ng kanyang school uniform.

Lubos na mas matangkad si Prince kaya naman kailangan pa ni Sunny na tumingala.

"Sunny." nag-iba ang tono ng boses ni Prince, naging mahinahon. "Lahat ng nakita mo ngayon... Lahat-lahat, ang Himaw, ang aming mga kapangyarihan..."

Bumilis ang tibok ng puso ni Sunny nang yumuko si Prince at tumitig sa kanyang mga mata. Pinaghalong kilig at nginig ang nadama dahil sa lamig ng hininga nito.

"Ito ay isang alaalang makakalimutan mo. Hindi ito totoo..." kumuha si Prince ng isang orasyon card at pinatong ito sa ulo ni Sunny. "ERASO MEMOR!"

"AAAAHHHH! HALIMAWWWW!" sigaw ni Sunny at sa takot ay nabitawan ang bitbit na bag na puno ng Anime magazines at manga.

Lahat ng mga estudyante ay napalingon sa kanya.

Napagtanto ni Sunny na nawala bigla ang kung ano mang nakita niya. Hindi na nga niya alam kung bakit siya sumigaw.

Nagbulungan ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanya, nakasimangot at nakataas ang kilay.

Namula naman si Sunny, yumuko at pakiramdam niyang wala na siyang mukhang ihaharap.

Halos maluha-luha niyang pinulot ang mga magazine at manga na babasahin niya sana sa Owkward Academy Library.

"Tulungan ka na namin."

Nagulat si Sunny dahil dalawang pares ng kamay ang tumulong sa kanya sa pagpulot.

Bumungad ang mga magaganda at nakangiting mukha nina Bela at Andrea!

Mabilis na pinunasan ni Sunny ang may gradong salamin dahil hindi siya nakapaniwala na tinutulungan siya ng dalawang sikat na sikat sa school!

"Ang gaganda naman ng drawing!" puri ni Andrea na tiningnan ang isa sa mga manga. "Nagdra-drawing ka ba?"

Di nagawang makasagot agad ni Sunny pero tumango siya.

"Ang galing! Patingin next time ng mga drawings mo."

"Sunny, why don't you join us sa canteen?" alok ni Bela. "We're going to have a snack with the guys." tinuro ni Bela sina Prince at Amiro na nakatingin sa kanila. Nasa di kalayuan naman si Steve.

"Ah? Um... Ah, eh... H-Hindi pwede. S-Sorry po. May pinapagaw pa nga pala sa akin si Sir Prince - si Mr. President. Um... baka magalit po siya kung makikisali pa ako sa inyo. I-I have to go po. Sorry po!" dali-daling pinagkukuha ni Sunny ang mga magazine at mangag napulot nina Bela at Andrea at tumakbo papalayo.

===April 24, 2017 =============

Hello awesome people! Thanks for reading. Share some love by giving this chapter a vote! Kamusta naman ang chapter na ito? I would love to see your comments!

Follow and say hi!

Official FB Page: GilLandicho

Youtube: GilVlogs

Instagram: @gillandicho | @wondersofgil

Twitter: @gillandicho

Wattpad: @GilLandicho

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon