Chapter 53: First Kiss

Start from the beginning
                                    

"Pwede bang turuan mo ako kung paanong maging katulad mo? Kung paano magpatawad? Because I'm starting to hate her...I'm starting to loath her... and it's making me insane because for the past four years in my life. Only love is what I had felt for her."

Pumikit ito at humiga, hindi alintana na basang-basa ito. Habang ako ay nanatili ang paningin dito. Bumigat ang paghinga nito at doon ko lang napagtantong nakatulog na ito sa kalasingan. Lumapit ako rito at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagpatak ng luha sa gilid ng mata nito.

"Storm..." bulong nito habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha mula rito.

Parang kagabi lang ang kakambal nito ang nasa ganitong sitwasyon pero ngayon ito naman. Talaga bang destiny ko na makita ang kambal sa ganitong mga estado?

Dumako ang paningin ko sa labi nito na mamula-mula. Makaraan ay wala sa loob akong napahawak sa labi ko.

Ang first kiss ko!

Sa naisip ay puno nang pagmamadali ko itong iniwanan pero siyempre ayoko namang magising at malaman na namatay ito dahil sa hypothermia kaya dumiretso ako patungo sa kuwarto ni Cane at ginising ito mula sa mahimbing nito na pagkakatulog.

Nanginginig na ako sa lamig dahil basang-basa pa rin ako at nanakit na rin ang kamao ko sa pagkatok ng sa wakas ay lumabas mula sa kuwarto ang pupungas-pungas na si Cane na nakapikit pa at simangot na simangot. Nanlaki ang mata ko nang makitang tanging boxer short lang ang suot-suot nito. Tumalikod ako kahit na narinig ko na ang makasalanan nitong bibig.

"What the hell—Spring?"

Hindi lumilingon na nagsalita ako. "SiTornnasaswimmingpoollasingattulog—"

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Masyadong mabilis at bakit ba nakatalikod ka—"

"SI TORN NASA SWIMMING POOL AREA TULOG AT LASING, PUNTAHAN MO NA SIYA KUNG AYAW MONG MAMATAYAN NG KAKAMBAL." Nakapikit kong sigaw at nagmamadaling iniwanan ito kahit na tinatawag pa rin ako nito.

"YUHOOOOOO! Ate Spring!"

Inaantok kong inangat ang paningin ko mula sa pakikipag-usap sa spaghetti na kanina pa nasa harap ko pero wala pa rin akong naibawas. Ramdam ko ang mga nakakapasong tingin ng mga tao sa akin na nasa loob ng restaurant sa tapat ng HU na kinaroroonan namin ni Vannie.

Pero wala akong pakialam sa kanila. Nasanay na ako sa tingin nila mula kaninang umaga pagpasok ko. Titingin sa akin makaraan ay sa magazine na mga hawak ng mga ito kung saan ako ang model at ang kambal.

Para bang hirap para sa mga itong mapaniwalaan na ang katulad ko ay may kakayahan pa lang maging isang model and worse ay maka-partner ang tinagurian na bad boys ng HU.

"P-Pasensya ka na talaga Vannie, inaantok kasi ako. Napuyat kasi ako." Saad ko kay Vannie na nakanguso na at tila nagtatampo sa hindi ko pagpansin dito mula kanina pa.

Balak ko sanang hindi na kumain at matulog sa bakanteng classroom pero ito at nahila ako ni Vannie na mag-lunch. Hindi na naman ako nakatanggi sa pagiging charming at persistent nito. Ang ending kasama nga ako nito pero ang utak ko naglalakbay papunta kung saan...

Papunta saan? Sa mga nangyari kagabi?

Umiling-iling ako para mapalis ang mga alaalang iyon.

"Saan ka ba kasi napuyat Ate? Tuloy parang wala naman akong kausap ngayon."

Napangiwi ako sa tanong ni Vannie at nag-isip ng magandang palusot. "S-sa thesis. Isang buwan na lang kasi mock defense na namin."

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now