Kabanata 38

961K 29.9K 22K

Kabanata 38

Kill For You

Mabilis akong tumakbo palayo sa restaurant. Kabado ako. Kasama kaya ni Gwen ang mga kaibigan niya noong high school? Baka may kilala ako dito sa paligid?

Naglakad na lang ako nang nakalayo na sa resto. Patungo na ako sa may mga pine trees at mga upuan na parte ng Forest Park. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinype ang mga itetext ko kay Elijah.

Ako:

Nasa mga pine trees ako. Tapusin mo muna iyan. Dito lang ako maghihintay sa dulo kasi wala masyadong tao. Just find me here. I'm scared. She's Erin's friend.

Suminghap ako at nagpatuloy sa paglalakad. Walang tao dito. Hindi na gaano itong pinupuntahan dahil masyado na itong malayo. Kitang kita ang zipline sa banda dito. Naririnig ko ang mga tumitiling sumusubok non.

Umupo ako sa isang bench at tinukod ko ang siko ko sa mesa. Kinakalma ko parin ang sarili ko. Cagayan de Oro is a really small city. Lumabas kami at nagpunta sa malayo pero naging masikip parin ang mundo para sa aming lahat. Una ay si Pierre Ty, ngayon naman ay si Gwen.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Elijah.

Elijah:

Which part? I'll find you now.

Mabilis akong nag text. Alam kong hindi siya hahayaang makaalis ni Gwen doon. Lalo na't gusto nitong makipag usap sa kanya. Kaya lang, kung si Elijah na talaga ang mag dedesisyon ay maaring wala na iyong magagawa.

Ako:

Sa pinaka dulo. I'm okay here. Ayokong may makakita sa ating dalawa. Kung kasama mo pa siya, wa'g na muna kayong pumunta dito.

Nagulat ako nang hindi iyon na send. Anong problema? Tinaas ko ang cellphone ko at nakita kong kaonti lang ang signal nito. Kaya siguro walang pumupunta sa parteng ito ng Dahilayan ay dahil walang signal dito? Kung siniswerte ka nga naman!

Paulit ulit ko na lang iyong sinend kahit palaging failed.

"O, ba't ka mag isa?" Isang nakakapanindig balahibong boses ang umalingawngaw sa likod ko.

Lumapit siya sa wooden chair na kinauupuan ko at umupo siya sa harap ko habang nakatingin sa malawak na lupain ng Dahilayan.

"Wala lang." Sabi ko kay Pierre.

Tumikhim siya at nilingon ako. "Asan ang pinsan mo?"

"Uh, nasa restaurant." Sabi ko at dinungaw ulit ang cellphone ko.

Tinaas ko ito at winagayway para masend na iyong message. Pinanood lang niya ako habang nakapangalumbaba siya sa mesa.

"Asan ang iba mong pinsan?" Tanong niya.

Natigil ako sa ginagawa ko. Mabuti ay nasend sa huling subok ko. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kay Pierre. May pinaglalaruan siya sa dila niya habang tamad akong pinagmamasdan.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!