READ. VOTE. COMMENT. lol!! hangdemanding bigla?! ehe. jk lungs ei~ thanks dn pla sa mga nagmsg/nagreply skin at sinabing kaenjoy/cute tong PB.. ayiee.. ^^ *wink~*

[ehh teka. halata bang lokaret sya??] ==========>> [over there is ATE HAZEL.. XD] ==========>>

- - - - - -

x12: The Visit (part3-- SAME FATE?)

[ADRIAN's PoV]

Aysus si Chelle. Nananahimik na naman. Parang kanina lang nag-aasaran kami bago umuwi galing sa grocery store ah? Ano bang problema nito? Hormonal imbalance?

Haaay.. Ayun.. Napabuntung-hininga na lang ako nang makauwi na kami. Binuhat ko na ulit yung grocery bags at pumasok kami ng bahay.

Aba. Walang tao sa sala?

"Ang cute mo talaga! HIHIHIHI!" Yung tawang yun ni Ate Hazel, parehas sa narinig kong tawa nya kanina nang tawagan ko si Mama ah.

"Naku Hazel.." Rinig kong sabi ni Mama na alam kong nasa dining din kasama ni Ate Hazel. "Tanggalin mo na yan at baka magalit pa si Adrian pag makita nyang--"

"OKAY LANG TOH! Hihihi.. Oh Andy beybe, gayahin mo ang pose ni Tita Hazel ah?"

POSE? Ano bang ginagawa nila? Nagkatinginan kami ni Chelle at parehas kaming mukhang nagtataka.

"Halika dun sa dining.." Yaya ko sakanya at naglakad na kami papunta dun. "NANDITO NA KA--"

O___O

Potek... Ang anak ko...

"Mommy..!!" Masayang tawag ni Andy na nakatayo sa isang silya at naka...naka... ARGH! Naka-pink sya na pangbatang gown at may pink headband at naka-make up pa habang si Ate Hazel kinukuhanan sya ng picture gamit ang digicam!

"ANONG GINAWA NYO SA ANAK KO?!" Sigaw ko sakanila!

"Yan na nga bang sinasabi ko.. Wala akong alam dyan ah.. Hehe.." Ito talaga si Mama! Wala raw alam pero paniguradong sakanya galing yung damit!

"Uyy andyan na pala ang loving parents ng aking pretty star model! Ano na bang masasabi nyo sa make-over na ginawa ko sa inyong Andy Louis-- mali, Andy LOUISA pala! Perfect dibe?! Hihihi~" At PROUD pa sya sa ginawa nya?!

"LOKA-LOKA KA NA BA TALAGA?! Sino bang magulang ang matutuwang makita ang anak nilang lalaki na binaboy nang ganyan?!"

"The term! BINABOY?! Halerr! Ang ganda-ganda nga ng anak nyo oh! Kahit nga si Chelle, nagagandahan!"

"Anong nagagand--" Lumingon ako kay Chelle at di sya mukhang naiinis tulad ko. In fact, NAKANGITI pa sya habang hawak ang mga pisngi nya na parang kinikilig ba!

"Ang baby ko..." *o*

"Wui, Chelle!" Siniko-siko ko sya. "Ano ba yang pin--"

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!