Kabanata 37

1.2M 27.1K 19.3K

Kabanata 37

Offer

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakarating ako sa Dahilayan Forest Park. Nag punta kami dito kasama rin ang mga pinsan ko noong summer ngunit ngayon ay malaki ang pinagbago nito. Maraming nadagdag na bago at mas lumawak ang landscape.

Papasikat pa lang ang araw pagkarating namin. Tahimik gaya ng inaasahan namin. Weekdays kasi kaya wala gaanong turista. Niyakap ko ang sarili ko. Masyadong malamig. May fogs pa sa di kalayuang bukid.

"Want to try the ziplines?" Natatawang sinabi ni Elijah.

Ilang beses ko na iyong nasubukan at alam kong ganon rin siya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsasawa sa thrill at sa tanawin na hatid nito. Unti-unti akong tumango.

"Sorry, baby, there's nothing new." Aniya.

"Okay lang. 'Nong una ko 'tong sinubukan si Charles ang partner ko. 'Nong pangalawa si Erin. This will be better with you."

Nagtaas siya ng kilay sa akin at tinitigan niya ako.

Kabado tuloy ako sa mga titig niya. Gusto kong luminga linga para makita kung may kilala ba kami. But now, I need to let it go. Gusto kong maging masaya kasama siya.

"Alright. All rides, then?" Tumatawa siya at dumiretso na sa counter para bayaran.

"Wa'g namang all rides, Elijah. I'm not fond of zorbing. The Zipzones will do." Sabi ko.

"Alright, baby." Aniya at inakbayan ako.

Napatingin ako sa kamay niya sa balikat ko. Mahigpit ang akbay niya na para bang may aagaw sa akin. Inabot niya sa babaeng nasa counter ang pera niya at may ni fill up siyang form kaya kinalas niya ang pagkakaakbay niya sakin.

Shall I pay him? No? Dammit! It's so weird! Kung sa mga pinsan namin ay patayan ang makalibre tapos sa kanya ay libre ako halos lahat.

"Mr. and Mrs. Montefalco?" Nakangising sambit 'nong babae.

Tumawa si Elijah habang nanlalaki ang mga mata ko.

Nakita ko sa form na nakalagay ang kumpletong pangalan namin:

Elijah Riley V. Montefalco

Klare Desteen L. Montefalco

"Ay hindi po ba?" Nagulat ang babae sa panlalaki ng mga mata ko.

"Okay lang, miss." Sabay kuha ni Elijah sa mga bracelet na dapat ilagay para maka pasok kami sa mga zipzones nila.

Hinila niya agad ako palayo sa babaeng tinawag kaming Mr. and Mrs. Now, I'm scared. Hindi ako makapaniwalang tinawag kaming Mr. and Mrs.! That's all because we have the same family names!

"Baby, what's up?" Natatawang tanong ni Elijah sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Hindi ka ba nabo-bother? She thought we are married."

Nagkibit balikat si Elijah. "Ano ngayon? Nagulat lang ako kasi akala niya kasal na tayo, e ang babata pa natin. Do I look like 20s or something?" Humagalpak siya sa tawa.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!