Kabanata 36

1.2M 29K 17.8K

Kabanata 36

Tiwala

Napigilan ko si Elijah sa mga plano niyang pagsabihan si Erin. He wouldn't calm down about it. Masyado na rin niyang pinupuna ang mga galaw ni Erin. Naguguluhan siya kung ano ang gusto niyang gawin: kung pagbabatiin niya ba kaming dalawa o pagsasabihan na si Erin.

"Dito ka, Klare." Sabay lahad niya sa katabing upuan ni Erin.

Hindi iyon pinansin ni Erin. Kakatapos lang ng mga speeches ng President at iilang importanteng tao sa school. Fireworks display na ang susunod. Iyon ang inaabangan namin bilang hudyat na iilaw na ang mga Christmas lights ng mga puno at simula na ang Xavier Days.

Simula pa lang kanina ay hindi na sumasama sina Julia, Liza, at Hannah sa amin. Siguro ay napahiya ng husto si Hannah sa pag tanggi ni Elijah kaya kinailangan niyang mag lie low.

Lumunok ako at nag offer naman ako ng fries na binili ni Elijah para sa akin. Nag offer ako kina Azi, kumuha sila at ngayon, mag ooffer naman ako kay Erin.

"Fries?" Sabay lahad ko non sa kanya.

Tumingin siya sa fries na nilahad ko. "No, thanks." Aniya at nagpatuloy sa panonood sa mga taong nasa stage.

"Asan na ang girls, Erin?" Tanong ni Josiah sabay tapik sa likod ni Erin.

Nasa likod namin sina Josiah, Azi, at Rafael. Nasa gitna naman ako ni Elijah at Erin. Tahimik lang ako habang pinapanood ni Elijah ang bawat galaw ni Erin.

"Wala. Syempre..." Hindi niya na dinagdagan iyon.

"Si Elijah kasi, tinanggihan pa si Hannah! Sayang 'yon dude! Busy ka ba bukas?" Tanong ni Azi.

"Oo..."

"Good. Kasi busy din ako dito sa school." Sumipol at tumawa si Azi.

"Raf, patulan na lang natin yung marathon bukas?" Yaya ni Josiah kay Rafael.

"Anong gagawin mo, Elijah?" Usisa ni Erin.

Humarap siya kay Elijah. Nilingon ko naman siya. Ni hindi niya man lang ako tiningnan. Diretso ang titig niya kay Elijah.

"School stuff. Bout you, Erin? Going out with the girls?" Tanong ni Elijah.

"Maybe. Ayaw niyong makipag hang out, e." Sumimangot si Erin.

Sumulyap si Elijah. "Kasama ba si Klare?"

He's trying his luck. Hindi ako pwede bukas. Alam niya iyon. Dahil bukas kami pupuntang Dahilayan. Kaming dalawa lang ni Elijah. Mas mabuti raw na bukas imbes sa weekends. Wala masyadong tao pag weekdays, e.

"U-Uh. If she wants to come." Nagkibit balikat si Erin.

"Why don't you invite her instead? Imbes na maghintay na pumunta siya?" Medyo mariing sinabi ni Elijah.

Hindi umimik si Erin. Unti-unti niya akong tiningnan. Yumuko na lang ako. "May lakad din naman ako bukas. Okay lang." Sabi ko.

"Okay." Sabi ni Erin at tumingala na sa madilim na langit.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!