TAL. 22 -- Other Half

Daryl's POV

"I'm so happy for you, bro. You have finally found the right one for you." tinapik ako sa balikat ng kapatid kong si Darren.

"Yeah, we may have our ups and downs but still, we're together." sinulyapan ko si Cassandra na kausap ang isa ko pang kapatid na si Darlene. Just by looking at her, hindi ko maiwasang mapangiti. Tama ang kapatid ko, I really found the one for me.

Sinalinan kong muli ang baso namin ng alak, "Kailan nyo naman balak magkaroon na rin ng anak?" maya-maya ay tanong ulit ni Kuya.

"We're still working on that. Hindi naman kami nagmamadali." lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa pagkaayaw noon ni Cassandra ng anak, hindi ko sinabi sa pamilya ko ang hinggil doon nang magkaroon kami ng tampuhang mag-asawa. Tanging alam lang nila, base na rin sa sinabi ko, ay sobrang busy kaming dalawa hanggang sa hindi na namin namalayan na lumalaki na pala ang maliliit naming hindi pagkakaunawaan.

"Sabagay. Parang si Cassandra din naman ang tipo ng babaeng hindi magpapatali sa bahay. Baka kapag nagkaanak na kayo, kumuha sya ng mag-aalaga sa pamangkin ko. Sa rami ba naman ng inaasikaso nyang kompanya, hindi biro ang resposibilidad nya." iiling-iling pang saad ni Kuya na bahagya ko na lang sinang-ayunan dahil tingin ko rin tama ito.

Hindi nga siguro tipo ni Cass ang syang mismong mag-aalaga sa magiging anak namin. Hindi naman nya siguro makakayang maging full-time mom sa anak namin.

Ang tanging magagawa lamang nya ay hindi totally ineglect ang mga anak namin kung sakali.

Napatitig ako kina Ate Darlene at Cassandra nang parang inaalok ni Ate sa asawa ko na kargahin ang anak nya, mukha namang nag aalangan si Cass. Bahagya syang sumulyap sa akin na tinanguan ko at binigyan ng isang ngiti. Halata namang naasiwa si Cassandra sa pag ganti ng ngiti sa akin bago mulibg bumalik ang atensyon nya sa kapatid ko.

Hanggang sa pumayag na din itong kargahin ang bata. Lalo akong natigilan sa naramdaman ko, it was like time has stopped at tanging si Cassandra, ang pamangkin ko ang nakikita ko. She looks really amazing right now. Lalong nagsumidhi ang hangarin kong makabuo na kami upang makikita ko na ng mas madalas ang ganitong tanawin.

"Dinner's ready!" naagaw ang atensyon namin ng lumabas mula sa kusina sina Mama at Papa, sila ang nagprisintang magluto ng hapunan para sa aming lahat ngayon.

Sabay-sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa dining room. "How was it?" tanong ko kay Cass habang inaalalayan ko sya palakad.

"Ang alin?" tumingala sya sa akin ng may pagtatanong ang mga mata.

"Ang mag alaga ng baby?"

Kitang-kita ko ng kumislap ang mga mata nya. Humigpit din ang hawak nya sa braso ko, "Ang saya, yam. Nakakainggit si Ate Darlene. How I wish, your niece was our own child."

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Bakit ko nga naman hindi tuluyang mamahalin ang isang Cassandra Aragon? She only look tough outside, but very lovable and vulnerable inside. If only she knew how much I love her and how thankful I am every waking day of my life not because God let me live another day but for giving me a chance to see my wife, to be with her. Akala ko after my relationship with my last girlfriend before Cassandra, hindi na akoi muling magmamahal ng katulad nyang socialite, elitista.

But I was so wrong. Kung hindi si Cassandra ang babaeng minamahal ko ngayon, ganito din kaya ako kasaya? I doubt it. Kasi kahit marami mang negative attitude ang asawa ko dahil mataray sya, palaban, masungit, istrikto....

Mahal na mahal ko pa rin sya. Hindi naman ako nangngarap ng isang perpektong babae. Ang tanging gusto ko lang ay isang babaeng makakapagbigay sa akin ng ganitong kasiyahan, at ang syang bubuo sa pagkatao ko.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!