Kabanata 35

1.2M 29.4K 20.1K

Kabanata 35

Trouble

Ang akala ko ay madali lang magmahal. Mukha namang madali iyon sa iba. Lalo na pag may nakikita akong mga lovers na dumadaan sa harap ko. It looks so easy. Naisip ko tuloy kung paano kaya 'yong mga babaeng ayaw ng mahal nila? O paano naman kaya 'yong mga lalaking ayaw naman ng babaeng minamahal nila? It's hard for them too.

Bumuntong hininga ako at dumungaw na lang sa mga hand outs ko. Sana ngayon ay mas mahigitan ko pa iyong score ko last time.

Kaya lang ay distracted ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para ipirmi ang utak ko sa school kung ganito naman ang sitwasyon.

"Let's go. Gusto ko munang pumunta sa canteen." Ani Erin sabay hila kay Julia at Liza. Nakatayo na si Hannah dahil gusto niya rin dawng uminom ng malamig na softdrinks.

Gusto ko rin sanang uminom ng Thirsty kaso alam kong ayaw ni Erin na kasama ako. Alam ko. Dahil ilang beses na itong nangyari sa linggong ito. Mabuti at busy kami sa school kaya hindi ko masyadong namamalayan. Tsaka ko lang talaga namamalayan tuwing ganito na ang nangyayari.

Napapaisip ako. Wala rin naman talaga akong kawala sa galit ni Erin o ni Chanel. Oo, medyo may tampo rin si Chanel sa akin. Aniya'y siya daw iyong tumulong kay Eion sa paghahanap sa akin sa buong campus nang binigyan niya ako ng malaking bouquet. Inisip daw niyang magiging masaya ako. Hindi niya matanggap na sinayang ko ang pagkakataon.

Pero totoong wala rin akong kawala sa galit nila. Una sa lahat, kung sinagot ko si Eion at nagsinungaling na lang sa sarili ko tungkol kay Elijah, mangingibabaw parin iyong nararamdaman ko para sa isa. I know, I'm a fool. I'm crazy. Kung ano man ang nangyari sa konting logic na binigay sa akin ng Panginoon ay hindi ko na alam. I'm now really convinced that it's all because of the demons inside my stomach. Siguro ay talagang na udyok nga ako ng demonyo dito. Kaya tingin ko, kung sinagot ko si Eion, at malaman nilang hindi ko siya mahal, magagalit parin sila sa akin.

Pangalawa ay ang sitwasyon ngayon. Hindi ko siya sinagot, nagalit parin sila. Just the same for the two choices I can make. Naniniwala akong pinili ko lang ang daang mas mahirap ngunit mas mabilis.

"Claudette!" Sabay higit ni Erin sa kamay ni Claudette.

Humigpit ang hawak ko sa mga hand outs ko. Ganito palagi ang eksena. Sa huli ay si Claudette ang maiiwan o aalis ng malungkot para sa akin.

"I'm not thirsty, Erin." Ani Claudette.

Gusto ko sanang kausapin si Erin. Hindi naman talaga ako iyong tipong magiging pipi sa ginagawa niya sa akin ngunit naintindihan ko iyon. She got disappointed with me. She cared for Eion, too. At natural lang na magalit siya sa akin. She's been with me for years at nakita niya kung paano ako nagkandarapa sa kay Eion. Nagulat siya at tinanggihan ko si Eion.

"Oh well, whatever!" Aniya at umalis na silang apat nang hindi kami kasama ni Claudette.

Hindi naman talaga nila ako niyayaya. Hindi sumama si Claudette kasi naawa siya sa akin. Dahil nitong mga nakaraang araw, ganito ang nangyayari.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!