Three

2.1K 40 2

WTKWLI — Three

"Jeez. Ang pogi niyang babae." I'm stalking her again.

"Huy, Aina. Anong nangyari sa'yo? Dati lang ayaw na ayaw mo sa bisexual ah?" Tapos tumawa si Katie ng malakas.

"Eh. Katieeeee! Baluktot na na ata talaga ako." Pagpapacute ko sa kanya.

"Baluktot na from the beginning. Don't me. HAHAHAHA!"

"I hate you." Kunyari nagtatampo ako.

"Umamin ka na kasi. Ayaw pa kasi ba."

"Iconfirm ko muna."

Nagkibit balikat lang siya sabay ako patuloy sa lag stalk. Hanggang sa may mabasa akong comments.

"Sa LGBT bar siya madalas? Ohmo! Punta tayo dun Katie!" Grabe naexcite talaga ako! Imposible kasi na makapasok sa LGBT University kapag hindi estudyante kaya ito lang yung chance para makita ko si Skype.

"Sigurado ka dyan?" Nagtatakang tanong ni Katie sa'kin. Wala atang tiwala eh.

"Oo naman. I want to see her personally." Determinado kong sagot sa kanya.

"Imposibleng mapansin ka niyan. Isa siya sa pinaka-famous na bisexual nakilala ko. Take note. Sa Pilipinas." Pang rerealtalk niya. Minsan nagtataka talaga ako kung best friend ko ba talaga 'to o ano eh. Hindi supportive eh.

"Ayos lang. Ang gusto ko lang naman talaga makita siya eh."

"Sus. Tsaka, play girl yan, Ai. Marami nang na...." itinaas niya yung kamay niya habang yung hintuturo at gitna na daliri niya naka-angat na magkadikit sabay itinaas baba niya. Nagets ko naman. Ewan ko kung nagets niyo yun.

"I don't care. Hindi naman siya madedefine dun."

"MAMAYA MAKAISA YUN SA'YO EH."

At dahil napaka-buti ng best friend ko, pumunta kami sa LGBT Bar tonight with Kean. It feels like home.

"Girls. Dun muna ako sa kabilang side, ha? Alam niyo na." Pag papaalam ni Kean. Nakipag-beso muna siya sa'min bago siya tuluyang pumunta sa side ng guys and gays.

"Let's go, girl." Aya ni Katie. I'm kinda nervous dahil it's really my first time.

Umupo na kami na isang table because the show is about to start.

"...and now let's welcome, Skype Escarlania."

I hear them applause. Pero ako hindi. Na-amaze ako nung lumabas siya mula sa stage. Smiling. Waving. She's really beautiful. Naka-denim outfit siya and it suits her very well.

"Good evening LGBT community!"

At parang may concert dahil sa hiyawan ng mga tao dito.

"Welcome back sa mga usual dito, and welcome sa new comers. Enjoy lang tayo, okay?"

And there inabot na sa kanya yung acoustic guitar and she started strumming.

"Wag kang matakot
Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
Di kita pababayaan kailanman

At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita"

Sumabay kami sa pagkanta sa kanya.

"Wag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Wag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Wag kang matakot ah~"

She's really beautiful and stunning.

"Wag kang matakot
Dahil ang buhay ay walang katapusan
Makapangyarihan
Ang pag-ibig na hawak mo sa iyong kamay

Ikaw ang diyosa't hari ng iyong mundo
Matakot sila sa'yo

wag kang matakot na matulog mag-isa
kasama mo naman ako
wag kang matakot umibig ta lumuha
kasama mo naman ako
wag kang matakot na magmukang tanga
kasama mo naman ako
wag kang matakot sa hindi mo pa makita
kasama mo naman ako
wag kang matakot ah

wag kang matakot
di mo ba lam nanadito lang kao
sa iyong tabi
di kita pababayaan kailan man

wag kang matakot
di kita pababayaan kailan man"

"Thank you so much everyone!" Tumayo siya at itinaas yung acoustic guitar niya.

Marami ang nag sitayuan para palakpakan siya.

Nakangiti akong lumingon kay Katie----

"Katie?!"

Nasa'n na yun? Nawala bigla?

Lumingon ako sa paligid. Hinanap ko siya, syempre. At ayun. Kasama girlfriend niya. Nag patugtog na ng pang party kaya nag sayaw na sila. Napangiti ako. Okay lang maging loner as long as she's happy.

Tumayo na muna ako para mag toilet. Hindi karamihan ang tao dito. Tatlo lang kami na nasa harap ng salamain hanggang sa maging ako na lang.

Nag apply lang ulit ako ng liptint. Paalis na sana ako ng may biglang lumabas sa isang cubicle.

Hindi ako makagalaw. Natulala ako sa salamin kung saan nag rereflect siya.

Tumabi siya ng bahagya sa'kin.

"Hi." Bati niya sa'kin. Shit. What to say? WHAT TO SAAAAYYYY?

"Oh. Hi." Nakangiti kong sagot. Chill ako outside pero deep inside, halos maglumpasay na ako dito.

"Bago ka dito?" She asked smiling.

"Oo eh." Hala shet. Ang boring ko ba kausap? Nahihiya na ako, ha.

"Mag isa ka lang?"

"No. I'm with my best friend. But she's with her girlfriend."

"Ikaw? Where's yours?"

"Ah. Wala eh. Medyo kaka-admit ko lang na ganito pala ako."

Natawa kami ng bahagya. Shit. Yung tawa niya. Grabe. Ugh.

"Tara? Dun sa table namin. Pakilala kita sa friends ko."

"Sure."

Grabe. Yung makausap siya, okay na eh. Tapos ipapakilala pa sa friends? Waaaaah! Feeling ko tuloy girlfriend niya ako. Waaaaaah!

Yun na nga. Tumagal ang ilang oras ng pagpapakilala.

Nagpaalam na rin si Katie na aalis na sila. Medyo may tama na ako sa alak eh. Konti lang naman tinatagay ko pero sila grabe.

Si Skype. Sobrang lasing na. Ang kulit niya pala malasing. HAHAHAHA!

"Let's go na, bi's. Maaga pa kami bukas."

"Ai *hiks* Aina. Can you, can you bring me home?"

Sino ba naman ako para tumamggi?

"Ow. Sige. Sure."

Ako ang umakay sa kanya papunta sa sasakyan ng isa niyang friend dahil yun ang maghahatid sa'min papunta sa aprtment ni Skype.

"Ingat ka dyan, Aina, ha?" Natatawang sabi ng kaibigan ni Skype.

Tumawa lang ako ng bahagya at inakay si Skype. Lasing na talaga. Parehas kaming pagewang gewang eh. Hanggang sa makarating kami sa elevator.

Jusko. 38th floor pa siya kaya matagal tagal na pag stay 'to sa elevator.

Habang akay ko siya, napatingin siya sa'kin. Sa mata ko. Hanggang sa bumaba yung tingin niya sa labi ko.

Hindi ko sinasadya na mapakagat labi dahil sa pagtingin niya sa'kin. Hanggang sa pumikit siya at unti unting lumapit sa sa'kin.

Want to Know What Love is? (Bisexual Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!