CHAPTER 31

736 8 5
                                    

"Wow. Buhay ka pa pala" yun nalang nasabi ko nung nakita ko siya, nagwalk out na kasi ako

TSS. Badtrip. Teka, bakita nga ba ako naiinis eh nagpakita na nga?! HAAAAY! Utak Sab! Eh nakakainis kaya ikaw ba, pagantayin ng mahigit isang buwan na hindi ka man lang kinokontact, sa tingin mo tama pa ba yun? Yung pinagkmukha kang kawawa sa kakanthintay. Para ka ng si sleeping beauty na nagaantay ng prinsipe na gigising sayo. Eto lang naman yung kasalukuyan kong nararamdaman ngayon. 

Tss. Bakit ngayon pa siya nagpakita? Kung kailan naman memorize ko na yung speech ko?! Wala na, nacorrupt na yung utak ko. Paano nalang mamaya?! Baka kung ano pa yung masabi ko! Aish

"Huy Sab!" tawag sakin ni June

"Bruha. Langya, yung speech ko!!" naiiyak na ko

"Keri lang yan. Kaw naman yung huli eh. Ako nga, una eh."

Ay, si June pala running for MUSE! Hahahaha. Natawa nga ako eh, may muse pala sa student council. =))))

"Wala ka naman kasing ibang gagawin kung hindi magpacute sa audience eh" sabi ko sakanya

"NAMAAAAN. Oh taralets. Backstage na tayo"

Eto na, nandito na lahat ng students. Kinakabahan ako ng bonggang bongga.

"Here are the representatives for the blue and red party!!" MC

BLUE PARTY PALA KAMI! So both presidents, toss coin para malaman kung sino yung mauuna.

Heads ako meaning huli kami! Hahahaha. Oh yeah boy.

Acutally, magaling naman talaga yung kalaban kong si Andrea, eh sa tinagal ba naman niya sa council eh. Maganda rin yung speech niya kaso di masyadong pumasok sa utak ko, nabobother ako sa pagpapakita ni Vince. Nakakainis. 

Si June na pala yung susunod. Ayun nga, rumampa lang siya sa stage na parang model. Hay, kaganda naman talaga ng kaibigan ko. Daming nagsisigawan na lalaki. LOL

Auditor, Treasurer, Secretary, Vice President

PRESIDENT NA. 

Hello? Ako na. Lord, help me. Give me strength

Pagdating ko sa stage, nalula ako sa dami ng tao. Eh halos lahat ba naman kasi ng students nandun eh. Waaaa. Nakakakaba. Eto na, now or never

"I'm Sabrina Isabelle Aquino running for President for the BLUE party"

tas naghiyawan na yung ibang supporters ko at ang nangunguna sakanila?

SI GABBY! HAHAHAH. PATAWA SOBRAAAA

"Okay na yan Gabby! Hahaha. So first of all, gusto kong sabihin na salamat sa support na pinapakita niyo until now. Nung una, normal na estudyante lang din naman ako like all of you. Walang pakialam sa mga chuvacheness sa paligid ko. Last year ko nga lang nalaman na may nageexist pala na student council. So alam ko yung iba sainyo parang ako lang dati, manghuhula nalang kung sinong iboboto eenie minie miney mo ba? Yung iba gagawing shot gun ang pagvovote. Hahaha. Pero kung ako sainyo, vote who you think na deserves to be called a true leader. Yung kayang gampanan yung responsibilities ng pagiging isang member ng student council. I'm not saying na ako yun pero kasi I know Andrea in the Red party also deserves this positiion. Kung sa tingin niyo na kaya ko din, why not try dba? It's your choice. Student's free will. Mukha bang ewan yung speech ko? I know. Hindi naman kasi ako magaling gumawa ng mga ganito."

"I LOVE YOU SABRINA!" sigaw ng isa sa mga audience

"Haha. Thank you. So this is it. Nasa kamay niyo na ang kapalaran naming lahat. Dito na nagtatapos yung speech ko." Bow

CRUSH TO LOVE, LOVE TO CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon