40th Chapter

337K 5.3K 2.7K

40th Chapter

Sara's Point of View

"Are you out of your mind, Cyriel?!" 

Kasama ko ngayon si Cy sa labas ng bahay nila Dave. Grabe. Hindi ko kinaya ang mga pangyayari sa loob. Parang, 'shet, ano nangyari?' Ang bilis eh, bigla na lang, galit na galit na sa akin si Dana, tapos bigla bigla na lang, engaged to be married na si Cyriel kay Ynna!

"Siguro nga.." Sabi niya tapos tinakip niya yung kamay niya sa mukha niya.

"Pero kasi naman, Cyriel! Hindi ba masyado na 'yung gagawin mo? Kasal na yun eh! Pang habang buhay na 'yun! Ibang usapan na 'yun.." 

Huminga siya ng malalim, "What's done is done, Sara. Tapos na eh, nakapagpropose na ako."

"Pwede mo pa namang bawiin, di ba? Sabihin mo nabigla ka lang o kaya joke time lang!" Pamimilit ko sa kanya. Hindi na 'to pwede. Oo, napatunayan ko na na mahal na mahal talaga ni Cyriel si Dana, pero 'tong papakasalan niya si Ynna para kay Dana? Sobra na 'to!

"Wag na.."

"Ha? Don't tell me gusto mo na talagang magpakasal sa kanya? In love ka ba kay Ynna?" Tanong ko sa kanya. Baka naman kasi na develop na din siya, mabait na naman si Ynna. Nagbago na siya.

"Alam mo naman na si Dana lang ang mahal ko eh."

"Eh bakit mo siya papakasalan?"

"Napag isipan ko na din 'to, kung hindi din naman si Dana ang ihaharap ko sa altar, kahit sino na lang siguro," tapos bigla siyang natawa, "eh nagkataong si Ynna. Bonus na siguro 'to, natulungan ko na si Dana, napasaya ko pa si Ynna. Iisipin ko na lang, nagccharity work ako."

Bigla naman akong natawa sa charity work niya. May pagka comedian din pala si Cyriel. Ngayon ko lang napansin.

"Pero.. si Dana? Paano si Dana?" Tanong ko sa kanya, baka sakaling magbago yung isip niya..

"The one that got away.." Mahina niyang sabi.

"Huh?"

"Search mo yung lyrics," tapos tumayo siya, "Alis na ako, sabihin mo na lang kay Dave happy birthday ulit."

------------------

Dave's Point of View

"Seryoso ka nga?!" Halos maibuga ko na sa mukha ni Cyriel yung iniinom ko. Nandito siya sa bahay ko. Kakatapos lang ng inuman kagabi sa birthday ko, nag iinuman na naman kami ni Cyriel. Anubayan.

"Oo nga. Ang kulet niyong dalawa ni Sara, bagay talaga kayo." Tapos ininom niya yung San Mig light.

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!