"Ah! Yung pina-print ko pala. Babalikan ko." Sumunod si Vic na patakbong lumabas. Nagkatinginan naman yung dalawa.

"Naalala ko. Maglilinis pala ako ng room namin ngayon." Malakas na sigaw naman ni Max at tsaka lumabas. Ngayon ay si Den nalang yung naiwan at mukhang hindi mapakali sa inuupuan.

"Oh? Okay ka lang ba diyan, Dennis Go? Mukha kang natatae." Nagtawanan naman sila sa sinabi ni mam. Biglang nagliwanag ang kanyang mukha at para bang may naisip na palausot.

"E-Exactly ma'am. Kanina pa ako pabalik-balik ng cr kaya babalik nanaman ako. Babush!" Agad siyang tumakbo na ikinatawa naming lahat pero si mam ay..

"Anong nangyari sa apat na yun?" Clueless na tanong niya. Ibang klase talaga yung mga magkakaibigan na 'yon. Mga walang magawang matino.

Nang dumating na ang hapon ay sabay-sabay kaming lumabas at ako na nga lang ang naiwan habang hinihintay ang sundo ko. Napagpasyahan kong sa labas nalang ako maghintay. Pinagmamasdan ko lang yung mga taong dumadaan hanggang sabmay tumawag ng pangalan ko.

"Sam!" Nilinga ko ang tingin ko, to find out of who's calling me.

May pamilyar na tao naman akong namataan habang papalapit siya sa akin. Narinig ko naman yung bulungan ng iba pero hindi ko maintindihan.

"Luke! What are you doing here?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Binibisita ka! I heard you got hospitalized, Is it true? Naks! That's english!" Natawa nalang ako sa kalokohan niya.

"Okay na ako. Ipapahinga ko lang 'to ng three weeks. Nga pala, congrats! Alagaan mo 'yung Goldentroph ha?" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Hay. Kung hindi ko lang talaga kailangan yung Goldentrophs, binigay ko na sa'yo eh. Pero pasensya na, Sam. Pangarap rin namin kasi ni tatay 'yun eh." Malungkot na sabi niya. Tinapik ko naman siya sa balikat at nginitian ko siya.

"Okay lang yun! You deserve it." Napangiti naman siya sa sinabi ko. May naalala pala akong itanong sa kanya.

"Kamusta mama mo?" Mas lalong lumapad yung ngiti niya.

"Magiging okay na siya! May pambabayad na kami ng hospital. Ipapa-opera kasi namin siya eh. Kaya kinailangan kong sumali dito dahil malaking premyo na sa amin ang 30,000." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Just go to the Mercato Hospital." Suggest ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya at tsaka natawa.

"Wag ka nga! Mahal doon eh, tsaka hindi ko kayang bayaran." Tanggi agad niya.

"You don't have to pay it. It's free. I'll tell to my dad." Ngiti ko sa kanya. Umiling naman siya at parang ayaw tanggapin.

"Wag na. May pera naman akong panggagamot kay mama." Bumuntong hininga ulit ako.

"Masisiguro mong ligtas ang mama mo doon. Tsaka save your money pambayad ng uupahan niyong bahay. C'mon, Luke. Don't refuse my offer. Hindi 'to para sa'yo. Para 'to sa mama mo." Paliwanag ko sa kanya. Napaisip naman siya sa sinabi ko.

"Fine. Pero babayaran din kita kapag may sapat na pera na ako." Pagpapayag niya.

"Kahit 'wag na. Ano ka ba!" Ang hirap niyang papayagin. Magsasalita pa sana ako ng may magsalita sa gilid ko.

"Are you done talking to each other?" Nangilabot ako sa sobrang lamig ng boses ni Wadensel.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at pansin kong nakaparada yung kotse niya sa may gilid ko. Hindi ko man kang napansin.

"Pinilit ko si tito na ako ang susundo sa'yo." Napatingin siya kay Luke.

"Ah, nga pala. Luke this is Wadensel, Wadensel this is Luke." Naningkit ang mata ni Wadensel kaya siniko ko siya inis na tinignan niya ako kaya napanguso nalang ako.

"Ang cute niyong dalawa. Oh siya, mauuna na ako sa inyo at baka hinahanap na ako ni mama. Wadensel, wag kang magselos sa akin.!Friends lang kami. Nakakatakot ka kasing tumingin eh." Natawa ako sa pagka-prangka ni Luke. Mas lalong dumilim ang tingin ni Wadensel kaya tatawa-tawang umalis na siya sa harap namin.

Seryosong hinarap ako ni Wadensel ay tsaka niya tinakpan yung labi kong naka-pout.

"Stop pouting!" Mas lalo lang akong napanguso. Napabuntong hininga nalang siya.

"Damn! I appreciate and adore your kindness to him but I can't avoid to felt jealous." Seryosong sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa mata niya.

Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Nakita kong may pasa din siya sa gilid ng labi niya. Anong nangyari?!

"I'm damn jealous, Samantha!" Bigla niya akong tinalikuran. Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Sinundan ko naman siya sa loob ng kotse niya.

I'm really inlove with this guy!

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now