(Eleven) Program-part three

7 1 0
                                        

Jessie's POV

Hinihingal na ako nang nakalabas kami ng horror house. Habang sina Patty at Kyla, halos hindi na makahinga sa kakatawa. Psh.

Magwo-walk out na sana ako kaso napigil ako nung tali sa kamay ko. Oo nga pala. Epic tuloy ang walk out ko. Hahaha.

Wait. Tanghali na pala. Gutom na ako. Huhu. Bitin yung isaw eh...

"Gutom na ba kayo?" Tanong ni Jared.

Sumang-ayon ang lahat kaya naghanap na kami ng food stalls. Maraming sponsors ang program. Mostly food stalls ang nandito bukod sa booths. May Isaw, Calamares, meron ding isang stall ng Chowking. Waaah! Faveee!

"Chowking tayo?" Pag-aaya ko.

Sumang-ayon din ang lahat kaya bumili na kami sa stall na yun. Bumili  si Jared ng isa, ganun din si Ryan. Pero kami nina Patty, Kyla at Austin, tigda-dalawang Chao Fan ang binili namin. Pagkatapos naming bumili, pumunta kami sa cafeteria ng school para maghanap ng table.

Mmm! Sarap talaga!

Mabilis kong naubos yung isa kaya binuksan ko na yung pangalawang chao fan.

"Takaw mo pala ate Jes. Hahaha. Joke." - Jared

"Grabe to. Matakaw agad? Di ba pwedeng gutom lang? Hahaha." - Ako

"Marami ka palang kumain Jessie eh, bakit hindi ka tumataba?" Pang-aasar ni Ryan.

"Magsama nga kayo ni Jared. Psh. Hahaha." - Ako.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad ulit kami para maghanap ng dessert.

"Ice cream!" Sabi ni Ryan.

"Kami nalang ang bibili. Anong flavor ba ang gusto nyo?" Tanong ni Kyla.

"Strawberry." - Patty

"Chocolate." - Jared

"Cookies and Cream." Ako/Austin.

"Ohh.. okay." Sabi ni Kyla at Ryan sabay ngiti samin ng nakakaloko.

"Yiee! Kayo haaa." Pang-aasar ni Jared.

Di ko nalang sya pinansin. Hahaha. Aba, malay ko bang pareho kami ng naiisip? Sadyang favorite ko na ang cookies and cream noh.

"Ito na guys." Sabi ni Ryan.

Waaaah! Ang dami nung ice cream! 15 pesos lang sya pero ang laki ng cone at ang daming ice creaaam! Yum yum!

Kinain na namin ang ice cream habang nakaupo sa bench.

I forgot to mention, hindi lang gymnasium ang sakop ng program. Mostly, ang booths ay nasa open field. Sa gymnasium naman, mga food stalls. Tapos sa ibang classroom, may film viewing.

"2:30 na pala." Sabi ni Ryan.

"Hanggang 3:00 lang ang program diba?" Tanong ni Austin.

"Uh-huh." Sagot ko.

"Finally." Bulong nya sa sarili nya.

"So, I think, pwede nang alisin tong tali?" Tanong ko sa kanila.

Sumang-ayon sila kaya inalis ko na ang tali sa kamay namin ni Austin.

"Try ulit natin to bukaaaaas!" Pag-aaya ni Jared.

"Wag na." Pagtutol ni Austin.

"Sige na guuuys until the end of this one week program man lang." Sabi ni Patty.

F L I P P E D (On-Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora