Kabanata 34

1M 27.9K 21.9K

Kabanata 34

Kapal Mo

Sumunod ako kay Elijah patungong locker room. Kinabahan ako. Ano kaya ang sasabihin niya? Ano ang hindi ko sinasabi sa kanya? Inayos ko ang buhok ko pagkapasok ko ng locker room. May dalawang locker room, sa girls at boys. Pumasok si Elijah sa boys, ako naman ay nasa lobby pa lang ng locker room.

Dahan dahan akong pumasok sa boys' locker room. Uminit pa ang pisngi ko nang may isang lalaking umalis pagkapasok ko. May mga benches sa locker room na iyon, tulad ng sa girls'.

Nakita kong nakahalukipkip si Elijah habang nakatayo sa gilid ng locker room sa paghihintay sakin. Kaming dalawa na lang ang nandito.

"Anong di ko sinasabi?" Tanong ko.

Lumapit siya sa akin. Kinabahan agad ako. Sinarado niya ang pinto ng locker room na siyang ikinagulat ko. Alright, calm down now, Klare. Ginawa niya lang iyan para walang makakita sa inyo.

"Binasted mo si Eion?" Tanong niyang malamig sa akin.

Ngumuso ako. Tama ang hinala ko. Iyon nga ang hindi ko pa sinasabi. Kanino niya naman ito nalaman? Kay Cherry? Alam kaya nI Cherry kung bakit ko binasted si Eion?

Umupo si Elijah sa bench sa harap ko. Tiningala niya ako habang naghihintay siya ng sagot ko. Uminit ang pisngi ko sa atensyong binigay niya sakin.

"Oo-" Bago ko pa natapos ay hinila niya na ang kamay ko.

Napaupo ako sa tabi niya. Naghuramentado ang puso ko sa ginawa niyang galaw. Dammit, Elijah! Mahigpit parin ang hawak niya sa pulso ko. Pinulupot niya ang braso niya sakin. Pareho kaming pawis kaya nahihiya ako.

"Elijah..." Sabi ko.

"Nahirapan ka ba?" Bulong niya.

Sinandal niya ang kanyang baba sa balikat ko. Hindi ako halos makagalaw sa posisyon naming dalawa. Should I be grateful na nasa loob kami ng locker room at walang nakakakita sa amin? Alam kong pinili niyang dito sa loob dahil alam niyang ayaw ko pang malaman ng ibang tao ang kung anong meron kami.

"Uh... M-Medyo." I couldn't lie.

Nahirapan ako sa mga sinabi ko kay Eion. Mahirap iyon lalo na't ako naman talaga ang nagpahiwatig sa kanya.

"Na guilty ako." Bumagsak ang tingin ko. That's the truth.

"Sayang ba?" Pabulong niyang tanong.

Nilingon ko siya ng bahagya.

Sobrang lapit na namin sa isa't-isa. Pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. Pinagmasdan ko ang mga kamay namin. I don't want to let him go. Sana ay pwedeng ganito na lang kami palagi.

"Hindi. I told him the truth." Sabi ko. "Sinaktan ko siya."

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!