Kabanata 33

1.1M 26.9K 6.6K

Kabanata 33

May Hindi Ka Sinasabi

Umiiyak ako sa comfort room ng katabing building. Fifteen minutes na lang ay may klase na kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Erin, Claudette, Hannah, Julia, at Liza. Anong ginawa ko kay Eion? Anong mga sinabi ni Eion? Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin na binasted ko siya.

Nakikini kinita ko na ang mga tanong ni Erin. Bakit ko binasted si Eion? Hindi ba gusto ko naman siya? Wala akong maisasagot.

Oo, sinabi ko kay Eion na may iba akong gusto. Iyon ay dahil para matigil na siya. Medyo kumalma na ako nang naghilamos ako. Kailangan kong sabihin ito kay Elijah. Kaya lang mag aalala lang iyon at baka pumunta pa iyon dito sa school.

Biglang may nagmamadaling pumasok na babae. Mahaba ang kanyang buhok at medyo kulay brown iyon. Payat siya at namumutla. Hindi niya man lang ako tiningnan, dumiretso na siya sa isang cubicle at sumuka.

Nag aayos ako ng buhok. Natigilan ako nang nakita siyang nag suka. Narinig ko pa ang hikbi niya habang nagsusuka siya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ugali ang makealam kaso namumukhaan ko siya.

"Miss, ayos ka lang ba?" Tanong ko habang tinitingnan siya.

Tumunog ang flush at nilingon niya ako. Nakita ko na ito 'yong babaeng nurse na sinasabi nilang kinahuhumalingan ni Damon. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya ako. Gulat na gulat siya kaya inayos niya ang sarili niya.

"Ayos lang ako." Aniya at mabilis siyang tumakbo palabas.

Tumunog ang sahig dahil sa pagbagsak ng isang I.D. Pinulot ko iyon. Tatawagin ko na sana ngunit wala na talaga siya. Nakalayo na ata.

Sumusuka siya? May nakaing masama? Umiiyak pa iyon ah? Ano kayang problema? Hindi kaya... Hindi kaya?

Tiningnan ko ang I.D. niya at binasa ang pangalan na nakasulat doon. Eba Ferrer, BSN-II. Eba Ferrer. Siya ang kinahuhumalingan ni Damon. Sumusuka at umiiyak. Hindi kaya buntis iyon? Napalunok ako sa mga naiisip ko.

Pagkarating ko sa classroom ay magulong magulo ang utak ko. Iniisip ko si Eion, at si Eba. Hindi ako nagkamali, inusisa agad ako nina Erin at Hannah kung ano ang nangyari sa amin ni Eion.

"Bakit ka namumutla?" Tanong ni Erin ng nakakunot ang noo.

"Hindi naman." Sabi ko.

Mabuti na lang at dumating na agad ang professor namin. Hindi ko na kailangang sagutin ang mga tanong nila. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin na tinanggihan ko si Eion. Mananahimik na lang muna ako. Sasabihin ko rin sa kanila pag ready na ako. Hindi rin naman maingay si Eion. Siguro ay hindi niya ipangangalandakan na nabasted ko siya o nag away kaming dalawa.

Maagang natapos ang klase dahil quiz lang ang aming ginawa. Pinaulanan agad ulit ako ni Erin ng mga tanong. Ginawa kong excuse si Eba Ferrer para umalis. Hahanapin ko lang si Eba o di kaya si Damon para mibigay ko itong I.D.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!