Kabanata 32

1.2M 29.2K 22.1K

Kabanata 32

Be Friends

Balik eskwela na. Second sem na ng pagiging first year ko dito sa school at ramdam ko na ang pressure galing sa mga major subjects. Kailangan pala naming gumawa ng proposal para sa baby business namin. Gumawa kami ng grupo nina Hannah, Julia, Erin, Claudette, at Liza.

Naisipan naming cakes and pastries ang pagtutuonan namin sa business. Marunong kasi kaming mag bake lahat at may mga resources na. Iyon na lang siguro iyong gagawin namin. Proposal pa lang naman ito kaya hanggang estimate na lang muna kami.

Tumatambay kami sa benches ng school habang nililista namin ang lahat ng mga pwede naming gawin. Narinig ko ang bungisngisan ni Hannah at Julia. Nilingon ko sila ngunit binalik din agad ang tingin sa mga hand outs. Nang hindi ko na kinaya ang bungisngisan ay nag angat na ako ng tingin.

Naaninag ko agad ang mga mata ni Elijah na diretsong nakatingin sa akin. Kasama niya si Josiah at Azi na nauuna sa paglalakad sa kanya. Parang nag tatalo 'yong dalawa ngunit tumatawa. Patungo sila sa amin.

Kinagat ko ang labi ko at tumingin ulit sa mga hand outs.

"Hello, girls!" Tumatawang sambit ni Azi. "Anong ginagawa niyo?"

Umupo siya sa tabi ko at dinungaw ang mga hand outs. Sinagot siya ni Erin tungkol sa pag bibrainstorming namin.

"Wala na kaming pasok. May pasok pa kayo?" Tumaas ang kilay ni Azi sa akin.

Si Elijah ay nasa gilid niya at mukhang nag hihintay rin ng sagot. Sa kasamaang palad ay tumango ako. May isang klase pa kami na major ngayon at may quiz daw. Masyado na talagang hectic ang sched ngayon.

"Sayang naman!" Tumawa si Azi at tumayo. "Mag g-gym ako, ikaw dude?" Sabay lingon niya kay Elijah.

"Later." Sagot ni Elijah.

Pupunta siya ng gym? Paano 'yon? Hindi ba pareho sila ng gym ni Cherry? Paano pag nandon din siya.

"You coming with me, Klare?"

Para bang narinig niya iyong mga iniisip ko. Hindi ko na siya kailangang sabihan. Alam niya na may issue ako don. Wala naman akong planong pigilan siya kung pumunta siya ng wala ako.

"Hmm. May class pa kami, e." Utas ko.

"Si Hannah daw mag g-gym na rin!" Tumatawang sambit ni Liza.

"Uy, ano ka ba!" Sabi ni Hannah at pinatahimik na si Liza.

Sumulyap si Elijah kay Hannah at nag taas siya ng kilay. Inilipat niya rin naman ang tingin niya sakin.

"I will wait." Aniya.

"Kay Hannah?" Singit ng tumatawang si Julia.

Sasagot na sana ako pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Okay, moment nila ito.

Ngumisi si Elijah at umling sa kanila. "Kay Klare."

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!