"Ssshh!" pinatahimik ko siya. Yari kami nito pag nakita siya ni Raya. Pero akalain mo 'yun, marunong palang magmura ang crown prince.

"Krishna ano ba!" sigaw ni Raya habang patuloy na kinakatok ang pinto. Nagmadali naman akong lumapit sa pintuan at binuksan ito.

"Bakit?"

"Anong bakit bakit ka dyan?" sigaw ni Raya. Eew. May naiwan pang buhok sa bunganga niya. "Tanghali na bakit hindi ka pa nagluluto?! Dito kakain ang bisita ko."

"Pero pang sa ating tatlo lang ang binili kong---"

"---E di wag kang magtanghalian, problema ba 'yon?!" pagkasabi no'n ni Raya ay tumalikod na siya at tumungo sa sariling silid.

Wala na akong nagawa kundi ang dumeretso sa kusina at simulang magluto. Bahala na ang prinsipe sa kwarto ko, siguro naman wala siyang gagawing kalokohan doon.

Maya-maya pa ay dumating na si Yara galing sa kanyang Zumba session. Alam kong dumating na siya dahil biglang nangasim ang amoy sa loob ng kusina. Juskupo. Magsusuot talaga ako ng mask sa paglalaba ko bukas.

"Hoy Yara. Magpalit ka nga muna ng damit bago kumain," utos ni Raya sa kapatid. Nakaupo na silang tatlo sa hapagkainan at nakakatawa ang senaryo dahil hindi maipinta ang mukha ng boyfriend ni Raya dahil sa amoy ng nakababatang kapatid ng kanyang syota.

Hindi ko na inalam kung ano pang mga susunod na eksena sa hapagkainan dahil bumalik na rin agad ako sa aking silid. Naabutan ko na bukas ang aking drawer at nakita kong may tatlong itim na balahibo na hawak ang prinsipe.

"Anong karapatan mong pakialaman ang mga gamit ko?!"

"Bakit may ganyan ka?" seryoso niyang tanong.

Kinuha ko ang mga balahibo sa kanya. "Wala ka nang pake dun."

Ang totoo niyan ay napulot ko lang ang mga bahalibong ito sa loob ng aking silid. Tatlong sunod-sunod na umaga na kasi akong may naaabutang itim na balahibo sa ibaba ng bintana ng kwarto ko.

"Ang mga balahibong iyan.. Balahibo 'yan ng isang Ravena," saad ng prinsipe.

Nagpamaywang ako. "O, ano naman ngayon?"

"Ganyang ganyan ang balahibong napapabalita na iniiwan ni Black Raven sa ginagawa niyang krimen." Tinapunan niya ako ng isang masamang tingin. "Sabihin mo sa'kin, anong kinalaman mo sa kanya?"

"Wala akong kinalaman sa Black Raven na yun," bored kong sagot.

Tinitigan niya 'ko sa mata. Napakaseryoso ng mukha ng prinsipe. At sa paraan ng pagtatanong niya kanina ay para siyang nagbabanta kahit hindi naman.

Nakakatakot..

Maya-maya pa ay bigla na lang siyang pumunta sa kabinet ko at hinalungkat ang mga damit ko.

"Hoy ano bang ginagawa mo!" sigaw ko habang pinipigilan siya sa ginagawa niya.

Pero kahit anong pigil ko sa kanya ay hindi siya tumigil. Tuluyan nang nagkalat na sa sahig ang mga damit ko. Para siyang may hinahanap..

"Stop this! Ano bang problema mo!"

"Naghahanap ako ng ebidensya."

"Hindi ko nga sabi kilala ang Black Raven na 'yon!"

Nang hindi siya tumigil ay desperada ko siyang sinampal.

Doon na tumigil ang prinsipe. Nakita kong namula ang maputi niyang pisngi. Mula sa direksyon kung saan ko siya sinampal ay unti-unting siyang humarap sa'kin ang prinsipe. His lips curved into a deadly smirk that scare the shit out of me. At doon ko nakitang hindi lang pala pisngi niya ang namumula..

..pati ang mga mata niya.

"Masyado kang matapang para sa isang mortal, binibini. Ikaw lang ang kauna-unahang gumawa sa akin ng no'n," aniya habang nakangisi pa rin. Hindi ko mawari kung nagagalit ba siya o natutuwa, pero lubhang nakakatakot ang paraan ng pagtitig sa'kin ng pula niyang mga mata.

Tila nagkaroon ng sariling isip ang aking mga paa dahil namalayan ko na lang na umaatras na pala 'ko. Unti-unti namang humakbang palapit sa'kin ang kamahalan. "Your damned life's not even worth it for that slap.." sabi pa niya.

Napalunok ako sa narinig ko. Alam kong ginawa niya na rin sa'kin dati ang ganitong pananakot pero iba 'to. But the way he smirks, the death threats, and lastly, his eyes.. This is the the deadliest stare I've ever seen.

Is he going to kill me?

Nanlamig ang buong katawan ko nang biglang humaba ang kanyang mga pangil. Holy shit! Mukhang balak talaga niya akong patayin!

Sa pag-atras ko ay hindi ko namalayan na naatrasan ko na pala ang kama kaya bigla akong napaupo roon.

"K-Kamahalan.." isang salitang kusang lumabas sa bibig ko na parang nagsusumamo. Palihim kong pinagalitan ang sarili. Ugh! I should've not beg for my life! Never! All I need to do is to escape from this lunatic at mabubuhay ako.

Pero bago pa ako makagawa ng kung anong mang aksyon ay bayolente niya na 'kong itinulak sa kama at hinawakan sa magkabilang braso. Napakalakas niya! Madudurog yata ang braso ko sa sobrang higpit ng kapit niya sa'kin.

"Paano mo gustong mamatay?" he whispered to my ear. Doon na 'ko napaluha. Mukhang ito na nga yata ang katapusan.

I could feel his warm breath on my nape dahilan para magsitaasan ang balahibo ko. Matapos ay dinilaan niya naman ang aking leeg. Holy mother of fuck! Napapikit na lang ako dahil alam kong nakahanda na siyang kagatin ako.

Naramdaman ko na ang dulo ng kanyang mga pangil nang makarinig kami nang malakas ng katok sa pinto.

"KRISHNA ANO YANG NARIRINIG NAMING KALABOG DYAN! BUKSAN MO ANG PINTO!"

Patay.

Midnight FairytaleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ