Chapter 7.2

8.7K 328 15

Chapter 7.2

Matapos makapagpabook ng ticket pauwi ng Pilipinas ay nagmamadaling bumaba si Maureen upang ipaalam sa ina na sa isang araw na angpag-uwi niya. Napakunot ang noo niya ng hindi Makita ang ina. Akmang tatawagan na niya ito ng biglang bumukas ang pinto.


"Mommy, where have you been? I thought you were preparing our dinner." Salubong ni Maureen sa ina na halos hindi maipinta ang mukha.


"Pinuntahan ko si Nathan."


"What?! Why did you do that? Wala naman kayong dapat pag-usapan." Talagang nabigla si Maureen sa ginawa ng ina. Wala sa hinagap niya na makikialam ito sa problema niya.


"Mabuti ng malaman niya na kapag may ginawa siyang kalokohan sa'yo ay ako mismo ang makakalaban niya." Wala pa ring kangiti-ngiting pahayag ni Frances.


"Pero mommy, hindi mo na dapat pang pinag-aaksayahan ng panahon ang lalaking iyun. Pag-uwi ko ng Pilipinas ay makikipagkita ako kay Margarette para personal na makapagpaalam. Wala ng dahilan na muli pang magkrus ang landas namin ni Nathan."


"I don't think so...matagal ng intresado sa'yo si Nathan...." Biglang natigilan si Frances.


"Matagal na siyang intresado sa akin? Paano ninyo nalaman? Sinabi niya ba sa'yo?" Sunud-sunod na tanong ni Maureen.


"Ah basta! Kalimutan mo na ang lalaking iyun." Pag-iwas ni Frances sa mga tanong ng anak.


"Bakit ninyo nasabing matagalna siyang intresado sa akin?" Pangungulit ni Maureen.


"Kailangan ko ng maghanda ng hapunan natin, parating na ang papa mo. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol diyan." Nagmamadaling tinungo ni Frances ang kusina para iwasan ang mga tanong ng anak. Kung ano man ang nangyari noon ay hindi na dapat malaman nito.


Susundan sana ni Maureen ang ina ngunit biglang tumunog ang telepono sa sala. Dali-dali niyang sinagot ito. "Grace, kumusta ka?" Pilit niyang pinasigla ang boses ang ng malaman na ang kaibigan ang nasa kabilang linya.


"Reena, kalian ka uuwi ng Pilipinas? Kailangan na nating simulan ang plano ko. Tinawagan mo na ba si Dale Andrew?" Mahahalata sa tinig ni Grace ang pagkainip.


Napabuntong hininga si Maureen. Nitong mga nakaraang araw tuwing nakakausap niya si Grace ay may kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya kayang ipaliwanag. "Sa isang araw ang uwi ko." Maikli niyang tugon.


"That's good! Huwag mong kakalimutang tawagan si Dale Andrew at ang bilin ko sa'yo na dapat ipaalam mo sa kanya na mahal mo pa rin siya."


"Pero Grace... hindi ko na mahal si Dale Andrew. Ang sabi mo nga sa akin ay may asawa na iyung tao." Pagpoprotesta ni Maureen.


"Akala ko ba tutulungan mo ako? Tandaan mo noong nangailangan ka ng tulong ay hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka." May panunumbat na tugon ni Grace.


Mariing naipikit ni Maureen ang mga mata bago muling nagsalita. "Grace, parang hindi ko kaya ang pinapagawa mo."


"Damn Reena! Nagkasundo na tayo di ba?! Pwes! Kung ayaw mo akong tulungan ibalik mo na ang 5 milyon na pinahiram ko sa'yo." Mataas na ang boses ni Grace.


"Grace, nakikiusap ako na bigyan mo ako ng isang taon para mabayaran ka." Pakiusap ni Maureen.


"No! If you will not help me you need to pay me back as soon as possible. Pasalamat ka nga na hindi ko na lalagayan ng inters yung hiniram mo."


"Wala pa akong ganyan kalaking pera sa ngayon."


"Then you don't have any choice. Sa ayaw at sa gusto mo susunod ka sa ipinapagawa ko sa'yo. Mag-usap na lang tayo ulit kapag nandito ka na. E-mail me your flight details and I'll pick you up at the airport. Basta huwag mong kakalimutan na tawagan si Dale Andrew.


Napatiim bagang na lamang si Maureen ng babaan siya nito ng telepono. Ngayon pa lamang ay may awa na siyang nararamdaman para sa asawa ng dating nobyo. Wala naming kasalanan ang babae ngunit dahil sa ginawa ng kapatid nito ay ito ang magdurusa sa gagawing paghihiganti ni Grace. At ang ikinagagalit pa niya ay siya mismo ang gagawa ng paraan para masaktan ang asawa ni Dale Andrew. Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi namalayan ni Maureen ang pagdating ng kanyang ama.


"May problema ba hija?" May pag-aalalang tanong ni Rodrigo.


"Papa,kanina ka pa diyan?" Kinabahan si Maureen nab aka narinig ng ama ang pagkikipag-usap niya kay Grace.


"Kadarating ko lang. May problema na naman bas a trabaho?" Muling tanong ng matanda.


"Nagresign na ako papa."


"Mabuti naman. Ibig sabihin ay matutulungan mo na ang tita Felisa mo." Nakangiti na ito habang nagsasalita.


Tanging tango na lamang ang tinugon ni Maureen. "Papa, pakisabi kay mommy na hindi ako makakasabay sa hapunan. Busog pa po ako." Nagmamadali ng umakyat si Maureen sa kuwarto niya. Ang totoo ay wala siyang ganang kumain dahil sa pagkainis kay Grace nawala na rin sa isip niya ang sinabi ng ina tungkol kay Nathan.


Papunta na sa komedor si Rodrigo ng may sunud-sunod na nag-doorbell. Bago niya tinungo ang pintuan ay tinawag muna ang asawa. "May darating ba tayong bisita?" Tanong niya ng lumabas si Frances mula sa kusina.


"Wala. At sino naman ang bibisita sa atin?" Nagtatakang tugon ni Frances bago muling tumunog ang doorbell.


Samantalang si Nathan naman ay halos hindi mapakali sa labas ng pintuan ng mga Saavedra. Nakailang pindot na siya sa doorbell ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kung hindi niya lang kailangan ang tulong ni Maureen ay hindi siya magpapakumbaba rito ngunit ito lang ang tanging babae na alam niyang makakasundo ng ina kaya gagawin niya ang lahat mapapayag niya lang itong pakasalan siya. At kung kinakailangan niyang magkuwari sa mga magulang nito ay gagawin niya. 

_____________

Deal with the MillionaireBasahin ang storyang ito ng LIBRE!