*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 55: Freed 

Van’s POV 

“Wala bang paraan para tuluyang ibalik si Kisha sa dati?” tanong ni Jullia. Nandito pa rin kami ngayon sa mansyon at nag-uusap tungkol sa paghahanap sa anak namin ni Kisha at sa kung paano siya maibabalik sa dati. Nagmamadali siyang umalis kanina dahil naramdaman niyang babalik na ulit siya sa kabilang side niya. Wala na akong nagawa para pigilan siya at hinayaan na lamang siyang umalis. 

“I don’t know” the only thing I said. Hindi pa kasi nagsisink in sakin na may anak na pala kami ni Kisha. Pinaghalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan din ako sa maaaring kalagayan ng anak ko. Gustong-gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung paano. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya, kung kanino siya nagmana at kung sino ang mas kamukha niya: ako o si Kisha.

“Can Archers mess with her brain? They are the experts about mind and brain. There’s a possiblilty that they can help her” sabi naman ni Victoria. Lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya. May punto siya sa kanyang sinabi. Maaari ngang ang mga Archers ang makatulong kay Kisha.

“Pero sa pagkakaalam ko, wala sa clan namin ang nakapagpagaling ng ganoong kaso” sabi naman ni Trey... “Ang kaso kasi ni Kisha ay nahati siya sa dalawang katauhan, ‘yung isa ay ‘yung tunay na siya siya at sa kabilang banda naman ay ‘yung siya na masama. Madalas na nakakulong ang tunay na siya sa kalooban niya”

“Meron kaming kilala na siyang pinakamagaling pagdating sa pagmanipulate ng utak, sa aming mga Archers, siya ang pinakaangat sa lahat” mungkahi naman ni Tred... “Pero matagal na siyang walang koneksyon sa amin. Mahihirapan tayong mahanap siya”

“Wala na akong pakealam pa kung mahirap man siyang hanapin o hinde, ang mahalaga gagawa pa rin ako ng paraan para matunton siya at mapagaling niya si Kisha” Desperado na ako. Gusto ko ng makasama ng matagal si Kisha. Hindi ko na kaya pang nakikita siyang nahihirapan dahil sa mga nangyayari sa kanya at sa amin. 

“Kung ganoon, kailangan na nating siyang hanapin” sabi naman ni Tres...

“Sino ba kasi ‘yang tinutukoy niyo na makakatulong sa pagbalik kay Kisha sa dati?” napatingin naman kaming lahat sa kadadating lang na si Jick kasama si Farrah habang may dalang tray na may lamang juice... “Si Gregory Archer ba?” 

Gregory Archer...

Bakit nga ba hindi ko naisip na nabubuhay pa nga pala ang pinakamalakas sa angkan ng Archer Clan?

“Oo, siya nga. Kailangan na natin siyang mahanap dahil NPA si Gregory Archer. Kung saan niya gustong tumira o pumunta, aalis na lang siya bigla kaya mahirap siyang hanapin. He can be in Paris now, or in Japan, or in Western Countries. We didn’t know baka nasa dulo na pala siya ng mundo” Napaisip naman ako sa sinabi ni Tred. Hindi ko personal na kilala si Gregory Archer dahil nga hindi siya napipirmi sa isang lugar. Bilang na bilang din ang mga panahon na nakausap ko siya at hindi rin siya gaanong malapit sa ibang clan ng mga bampira...

“Ano pang inaantay natin? Hanapin na natin siya para matapos na ‘to” lumakad si Zick papunta sa may lamesa at kumuha ng juice. Ngayon ko lang yata siya narinig nagsalita. Hindi naman kasi masyadong mahilig magsalita itong si Zick, kumbaga siya ‘yung tipong nakikinig lang...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!