Chapter 41:Sem-Break

1.2K 26 4
                                        

Janelle's POV

Sabado ngayon at wala na kong ibang maisip na gawen dahil kinakain na ng bored ang buong sistema ko,buti na lang at bumisita si Harold ngayon. Pumunta sya dito ngayon dahil di nya na daw ako nakita matapos naming mag habulan ni James.



Shocks!yung kiss naaalala ko paren hanggang ngayon!



"Malapit na Semestral Break,ano balak nyo?" biglang tanong ni Harold sabay kain ng binake kong cookies.



"Wala pa,ikaw ba?" balik na tanong sa kanya ni Jamie.


Kaming apat lang ang nandito sa bahay at napagtripan kong mag bake at sila ang taga tikim.


Nandito kami sa Sala ngayon kinakain yung mga dalang pag kain ni Harold at yung binake kong cookies habang nag kukwentuhan ng mga nonsense na bagay,Ako nakaupo habang nakataas yung dalawang paa, Si Jam naka indian seat sa lapag habang nagcecellphone at kumakain, Si Lhi nakaupo sa lapag habang  nakatungtong yung paa sa lamesita at si Harold naman nakaupo din sa lapag tas nakabukaka yung dalawang paa.




"Wala pa din" sagot ni Harold.



"Ako gusto ko mag travel,para 2 weeks kong hindi makikita yung pagmumukha ng bwiset na Jay na yun" sabi ni Lhi habang nilalantakan yung dalang popcorn ni Harold.



"Ang cute kaya ni Jay bagay kayo!" sagot ni Harold sa mga sinabi nya.


"Yuck!naririnig mo ba yang sinasabi mo?!" bulyaw sakanya ni Lhi habang lumalaki yung butas ng ilong.



"Grabe sya oh!" sabi ko habang tumatawa.



"HAHAHAHA,kunyare kapa Jan!if I know type mo din naman si Jay!" dagdag ni Jamie at pinagtawanan na lang namin si Lhi kaya wala syang nagawa kundi ang sumimangot.


"So balik tao sa usapan,ano Plano nyo this coming Sembreak?" balik topic ni Harold.



"Gusto ko mag beach,Resort siguro pede na!" sagot ko habang kumakain.



"Your wish is my command!" napatingin kami dun sa nag salita.


"JAMES!" sigaw ko at tumayo ako para lapitan sya,inaya ko syang umupo sa sofa.



"May bisita pala kayo" sabi nya ng makita nya si Harold na nakaupo sa lapag at kumakain.



"Ahm,Oo" sagot ko tas umupo ako sa tabi nya.




Breezyyyyyyy!



"Eto nga pala may dala ako" sabi nya sabay lapag sa lamesita ng dala nyang pag kain.





Pizza, Lasagna, Nachos.



"Woah!may balak ba kayong patabain si Janelle?" tanong ni Lhi tas kumuha ng isang slice ng Pizza.



"Ikaw ang tataba kase ikaw lang ang kumakain ng marame!" tukso sa kanya ni Jam.




Inirapan lang naman sya ni Lhi at nag patuloy sa pag kain.




"So bakit ka nga pala napadaan  dito?" tanong ko sa kanya.



Yung dalawa kong bruhang kaibigan ayon nag papataba habang si Harold seryosong nakatingin, Teka saan bato nakatingin?sakin o kay James?





"Namiss lang kita"sagot nya na agad namang ikinangiti ko.



" Hephep!may tao dito!"sigaw ni Jam tas tumalsik yung kinakain nya.




"Sheteee ka Jamie!ang baboy mo,Hindi mo ba alam na bawal mag salita pag puno ang bunganga ng pagkain?!yuckk!" pangaral sa kanya ni Lhi habang pinupunasan nya yung braso nya na natalsikan.



"Ang Arte!wala naman akong virus!" sagot ni Jam.



Inirapan lang sya ni Lhi at kumain na den.


"Gusto mong pumunta ng Resort?" singit na tanong ni Harold.




"Ha?Oo Sana,para makapag relax  na iistress na ko sa dalawang bata na to e" sabi ko habang tinuro yung dalawang bruha na naghihilahan ng buhok.




Natawa naman si James sa sinagot ko.



"Then,dun tayo sa Resort namen,Relaxing dun at refreshing!" dagdag pa ni James.



"Sama!" sabi nung dalawa na nag taas pa ng kamay na Kala mo nag rerecite.




"Eto na ba ang Plano sa Semestral Break?" singit nung dalawang tao dun sa pinto.




"What are you doing here?!" sigaw ni Lhi ng makita si Jay.


"Chill,Madam Baby" sagot ni Jay at nakiupo naden.




"Babe!" sigaw naman ni Jam at niyakap si Jonathan at nag yuck kami at tumawa.




"Plinano bato?" tanong ko sa kanila.



Nagtawanan naman sila.



"Resort tayo sa Sembreak?" sabik na tanong ni Jay.



"Kami lang di ka kasama!" sagot sa kanya ni Lhi at umirap.



"Yup!" sagot ko at ngumiti.




"Kailangan naten pag handaan to" sagot ni Harold.



"Tama!para wala tayong problemahin pag nandun na tayo" dagdag pa ni Jonathan na katabi ngayon ang kanyang jowain.




"So naka settle na!1 week na lang at Semestral Break na!first time to na mag a outing tayo ng sama sama!" excited  na sabi ko.



Sana maging masaya to!pag hahandaan koto!di na ko kakain ng marami!para sexy figure.



First time ko ding pupunta sa Resort nila James kaya excited din ako!





"Teka,ligpitin ko lang tong ibang kalat para di magulo" sabi ko at kinuha ko na yung ibang balat ng  Junkfood na kinain namen.



"Tulungan na kita"sabay na sabi ni James at Harold kaya napatingin ako sa kanilang dalawa na hawak din yung kalat na hawak ko.



" Ahh,okay lang"sagot ko pero pilit nilag inaagaw sakin yung hawak ko.



"Saaaaaana,dalawa ang puso ko, Hindi na sana nalilito!kung siiiinoooo,sa inyooooo!" kanta nung apat na kala mo walang kasamang iba.





Kami ba pinaparinggan nito o ako lang?



Napatingin ako sa dalawa na kaagawan ko ng basura,spell awkward?K-A-M-I.




Napabitiw ako bigla dun sa hawak ko,at tumingin dun sa apat na kumakanta.





"What about sleepover tayo mamaya?" singit ko kaya napatingin sila sa akin.




"San naman sila matutulog?" tanong ni Jam.



"H-ha?Kahit saan,hehehe!" sagot ko.



Nakakailang naman ang atmosphere ngayon.



"Sa Guess room!meron naman tayo nun e!" dagdag ko pa kaya napatango sila.





"Okay bye!kuha lang kami ng gamit!" sabi nung apat na lalaki at nag uunahan lumabas ng pinto.





"Anong trip mo at naisipan mong mag sleep over?" tanong ni Lhi at Jam.




Nagkibit balikat na lang ako niligpit yung mga kinalat.



Haish!lintik,kundi naman sila kumanta di ko maiisip yung ganong pakulo.






Kasalanan nyo to mga bwiset!

Started with a DEALTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang