wooot~ ud~ :DD puro kaechusan nga lang at naisip ko mahaba pla tlga tong The Visit chap.. ehehe.. sensya.. read read read na and mamatzz~ ^^v *wink!*

- - - - - -

x11: The Visit (part2-- COOKIEZ n CREAM!)

[ADRIAN's PoV]

Mula sa bahay hanggang sa pagpark ko ngayon ng kotse ko dito sa may grocery store... TAHIMIK LANG SI CHELLE.

Pumayag syang samahan akong mag-grocery at kasama rin sana ang anak namin kaso si Ate Hazel kasi, nagpumilit na iwan sakanya si Andy para MAY KALARO raw sya. Tsk. Lokaret talaga. Ngayon tuloy nag-aalala si Chelle..

"Ano, Chelle. Wag ka mag-alala kay Andy.." Sabi ko sakanya nang itigil ko na ang kotse sa parking lot. "Lokaret nga yung si Ate Hazel pero expert magbantay ng bata yun. Tsaka kasama naman nila si Mama.."

"Di naman yun ang iniisip ko." Tumingin sya sakin. Mukha talaga syang nag-aalala. "Ikaw.. Okay na ba yang ulo mo?"

"Uh.." Sa tanong nyang yun, napakamot ako ng ulo, dun sa bandang gitna talaga kung saan nakakaramdam ako ng sakit. Binatukan kasi ako nang NAPAKALAKAS kanina ni Ate Hazel bago kami umalis. =___=

"Adrian.."

"O-Oo. Okay lang toh, sanay na kong nababatukan lagi nun. Yaan mo, gaganti ako mamaya. Hahaha"

"Siraulo.. Tara na nga.." Natatawa syang bumaba na ng kotse and I grinned as I watched her go first.

Katuwa kasi.. Si Chelle, nag-aalala sakin.

Sabay kaming pumasok ng grocery store at ako syempre ang taga-tulak ng pushcart. Una naming dinaanan yung first aisle sa kaliwa na puro toiletries. Nagtanungan pa kami kung bakit kami nandun. Eh bakit nga ba? Hahaha. Parehas naming di alam.

Buti nga dumaan kami dun kasi may nakita akong toothbrush and toothpaste set na Thomas and Friends!

"Thomas oh! Magugustuhan toh ni Andy!" Kinuha ko yun at binato sa pushcart.

"Ano ka ba? Di yan pinabibili ng mama mo at may toothbrush pa si Andy noh.." =3=

"Wag ka na magreklamo Chelle. Para naman sa anak natin yan." sabi ko pa nang naka-grin.

"Mga dahilan mo.. Alis na nga tayo dito at baka kung ano pang bilhin mo na di naman kailangan." Inagaw nya sakin yung pushcart at sya na ang nagtulak! AMP! Naku. Pasalamat sya...malakas sya sakin.

Pero kahit sya pa ang nagtutulak nun, di nya pa rin ako maaawat sa mga gusto ko bilhin! Nang napadaan kami sa snack section, kung anu-anong chichirya ang binato ko sa pushcart.

"Hay Adrian.. Ang pasaway mo.." >3<

"Bakit ba? Midnight snack namin yan ni Andy."

"HINDI. Di ko pinapakain ng mga ganyan ang baby ko kaya...." Tinanggal nya yung mga chichirya mula sa pushcart at binalik yun sa istante! "OUT ang mga toh sa bibilhin natin." T.T

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!