Kabanata 31

1.2M 32.8K 15.1K

Kabanata 31

Hindi Lang Ako

Tumunganga pa ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko at hindi ko rin naintindihan ang kanyang tinanong. Suminghap si Claudette at hinarap ako.

"Bakit si Elijah? Bakit..." Umiling iling siya. Para bang nahihirapan siyang gumawa ng tanong sa sobrang daming iniisip. "Bakit siya kung si Eion 'yong alam kong gusto mo? Paano nangyari ito? Bakit sa pinsan pa natin?"

Nakita kong gulong gulo siya. Pumikit siya at suminghap. PInakalma niya ang sarili niya. Lumunok ako at tumingin sa pumapagitnang unan sa aming dalawa.

"Hindi ko alam. Nangyari na lang." Iyon lang ang tanging nasabi ko.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Nag simula ako na gustong gusto si Eion. Ilang taon rin iyon na nag kagusto ako sa kanya. Pero simula yata nong debut ko ay napansin ko na ang bawat galaw niya. Hindi naman ako ganon dati.

"Paano? Si Eion, diba, 'yon? Remember? Niyaya mo siya sa debut mo?"

Tumango ako.

"Well, then, paano nangyari?" Tanong niya.

"I don't know, really. Hindi ko alam, Clau." Napaos ang boses ko.

Kung sana ay may maidahilan ako sa kanya ay sasabihin ko agad ngunit wala akong dahilan. Hindi ko alam kung kailan nag simula, paano nangyari, at bakit nagkaganito. Namulat na lang ako isang araw na napapansin ko na siya at unti unti na lang akog nahulog.

"I'm not against the two of you, Klare pero hindi naman sa kinukunsinti ko kayo. Nakita ko kayong lumaki. Yes, I admit that Elijah's been gone for a long time at nong high school tayo ay hindi natin siya madalas kasama dahil pabalik balik parin siya ng U.S... And I've seen you both fight over petty things na akala ko ay hindi na kayo magkakasundo. Why now? What happened?"

Nabigatan ako masyado sa mga sinabi niya. I get her point. Ngunit maging ako man ay hindi pa nakakapag isip ng ganyan ka lalim. I don't know what happened. Kung sana lang ay may maisagot ako ay isasagot ko na sa kanya.

"Nakita ko siyang madalas na natutuwa pag tinitingnan kang nahihirapan noon. At nakita rin kita nong sinampal mo siya at ginalit sa harap ng maraming tao. Kahit kailan, hindi ko inisip na may mamumuong ganito sa inyong dalawa. Until that day..."

Tumama ang tingin ko sa kanya. Ngayon, ako naman ang nagtataka. Paano niya nahalata? Tumigil siya dahil nagkatinginan kaming dalawa.

"'Nong practice ng debut mo. 'Yong pagiging gago ni Elijah tuwing napag uusapan si Eion. But I rejected that idea. It's impossible. He's just being overprotective like how Rafael, Josiah, Damon, and Kuya Justin cared for Chanel's relationships. Pero may napansin ako, hindi naman siya babaero no'n, a? Alam kong pumuporma siya sa mga babae ngunit hindi siya lelebel kay Kuya Azi. At tuwing naiisip kong kung gugustuhin niya talagang pumorma ay mas mahihigitan pa niya si Josiah sa dami ng nagkakandarapa sa kanya. Ikaw rin, Klare, the way you got real angry no'ng nakita mong kasama niya si Karen sa Sweet Leaf. You were so mad at him. Bakit?"

Kinagat ko ang labi ko. So... noon niya pa pala talaga nahalata. Masyado ba kaming transparent sa isa't-isa? Masyado ba akong halata? Masyado bang halata si Elijah?

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!