Chapter 2

43 5 0

Matagal na nawala, matagal na nagbalik. (Gawin nyo naring clue to)  :*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

MAXINE'S POV

Walenya. Di pa rin ako makaget-over sa pagkakabungguan namin ng ex ko.

Sabagay, wala na rin namang kami e. Di ko na pedeng ibalik ang kahapon. Di ko na pedeng baguhin ang nakaraan. Isa lang naman akong simpleng babae pero maganda (charot) na naghahangad ng totoo at matagal na pagmamahalan. (Naks, iba to wahahaha)

"Oh lutang ka nanaman"

Alam na alam ko kung kanino nanggaling ang boses na yan. Syempre, kanino pa ba? Edi sa magaling kong bestfriend na si Lauren.

"Hoy tanga!" Lauren

"WHAT DID YOU JUST SAID?!" Meh

"Sinabi ko lang naman na tanga. Bahala ka na nga dan" lauren may pachildish pa

"Tss"

Di na ko nag-abalang habulin pa yung lokang yon. Ayokong pagpawisan yung beauty ko noh. Mabilis pa namang tumakbo yon. Sabagay, flatchested e. Tss.

Balik naman tayo saken, kasalukuyang naglalakad sa hallway patungo sa aking bagong silid-aralan. At heto, nadadaanan ko ang mga locker sa gilid at buti nakikita ko pa ang mga locker dahil ang dilim dito sa hallway at sa bandang dulo pa yung ilaw kung saan matatagpuan ang classroom namin.

Habang naglalakad ay di maiiwasang makakita ng mga couples na naghahalikan sa gilid kung saan ang mga locker ang kanilang sinasandalan.

Di rin maiiwasang mapangiwi ang bawat dadaan dito at makikita na sangkatutak na magkasintahan ang naghahalikan sa gilid mo na at isa na ako don.

Sabagay, first day naman ngayon. Pagbibigyan ko muna sila. Pero bukas, sisiguraduhin kong wala na silang makikitang nagpi-PDA sa kung saan-saan.

Nararapat lang na gawin ko iyon bukas dahil ito'y isang school hindi palandian.

At sa wakas, nakalampas ako sa mga shokoy na naghihigupan (Lee Jong Suk ang peg).

Heto, nakarating na ako sa aking silid-aralan. Nadatnan ko silang maingay, nagkakagulo, may tulog, may nagcecellphone, atbp.

Naghanap na lang ako ng mauupuan at sa kaliwa sa bandang dulo ang aking nahanap. Dumeretso nalang ako, umupo at nanahimik. Kinuha ko ang aking cellphone at tinext si Lauren.


Hoy Lauren! Hintayin mo ko mamaya sabay tayong uuwi. May pag-uusapan tayo. (Ay wala nga palang tayo) hihi. Sige na babuuush :*


Tinago ko na ang aking cellphone at pagkatago ko ay sakto namang dumating ang aming Adviser at sakto ring nabago ang aking mga kaklase mula sa pagiging demonyo ay naging mala-anghel ang kanilang mga pangit na mukha.

"Goodmorning everyone! I'm Joanna May Batingaw and you can call me Ms. Ganda or Ms. Joan as your adviser."

"Class may you introduce yourselves?"

At dahil disiplinado kami, nag-umpisa nang magpakilala ang mga nasa unahan. By row kase e. Bali, 5 rows at dun ako sa pang-lima.

Yung katabi ko na ang nag-iintroduce.

A 2nd Chance?Where stories live. Discover now