[ 57.1 ] Awkward

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sige. Ayusan na kita. 5 na oh. 7 yun diba?"

"Yup"

"Kaya pa to"

Minake up-an niya ako at inayusan ng buhok. Simple hair and make-up pero elegant tingnan. Mas okay daw kasi kapag simple lang :) Pagkatapos niya ako ayusan, lumabas na siya ng room ko at nagbihis na ako. Peach yung color ng gown ko. Tinulungan ako ni Jessica na maghanap ng gown at ito yung nagustuhan ko. Si Vince naman, naka white na coat tapos dark blue na v-neck lang. Naka black pants lang din siya pero ang formal niya tingnan. Gwapo nga ee :)

"Magkagusto ka sakin nyan. Hindi tayo pwede kaya wag ka na mangarap" -Vince

"Ang yabang. Asa ka na lang na magkakagusto ako sayo. Hindi mangyayari yun. Ang sungit mo kaya tapos payatot ka pa"

"Dapat lang. Hindi ka pwede magkagusto sa kapatid mo. Parang ikaw hindi ka payatot ah? Tingnan mo kaya sarili mo sa salamin"

Hindi naman ako payat pero pagtingin ko sa full body mirror, ang payat ko tingnan sa suot ko. Pumayat din yata ako e? Ginugutom kasi ako ni kuya Hiroshi! Joke!

"Bahala ka nga dyan. Doon na ako sa baba. Hihintayin ko na boyfriend ko!"

"Edi hintayin mo. Pakialam ko?"

"Palibhasa kasi, ikaw walang girlfriend kaya ang sungit sungit mo. Subukan mo kaya maghanap at baka sakaling bumait ka"

"Hindi na kailangan. Madami na naghahabol. Ayoko lang"

"Ang yabang talaga! Kapal ng mukha nito"

"Nagsasabi lang ng totoo. May gusto nga sakin kapatid ng boyfriend mo e"

"Ano?! Si Mafelle?!"

"Malay ko. Hindi ko naman kilala yun"

"Gusto mo ilakad kita?"

"Ayoko sa bata. Lumabas ka na nga lang. Putek"

Parang yun lang nabadtrip kaagad? Kahit kailan talaga ang sungit nun pero feeling ko, kapag nagkagirlfriend o nainlove yun, magiging parang si Gab siya. Babait tapos mababawasan yung pagkamasungit. Kinuha ko na lang yung bag na dadalhin ko at dumeretso sa sofa sa living room. Nandoon din naman si kuya at Jessica.

"Ang ganda ng prinsesa namin ah? Ang galing kasi ng nagayos e" -kuya

"Baliw ka panget. Maganda naman talaga si Jin ee. Mas pinaganda ko lang" -Jessica

"Thank you kuya and Jessica. Sige na, magkulitan lang kayo. Don’t mind me"

Chineck ko lang yung phone ko para malaman kung may text si Gab. Magse-7 na ee. Pero yung text na nabasa ko, galing kay Zeke.

From: Zeke

See you later Charel :]

Hindi ko siya nireplyan. Tama na din to. Mamaya, siya pa maging dahilan ng pagaaway namin ni Gab ee. Ang tagal ni honey. 7 na oh >__< baka nagpagwapo pa? :) Dapat nandito na siya. Late na kami ee. Hindi nagtagal at bumaba na din si Vince tapos umupo siya sa tabi ko.

Game of Love [ PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon