Ikatlong Kabanata

10 1 0

Damo 'to! Hindi ako pwedeng magkamali.

Matapos kong titigan ng matagal ang tatlong bagay na kulay berdeng iyon ay naisipan ko nang hawakan. Nakamamatay ang kuryosidad ano!

So pagkatapos ko ngang pakainin ang kuryosidad ko, eh parang nakahinga ako ng maluwag.

May magic ang brush na 'to. Hmmm. Susubukan kong gumuhit pa kung madadagdagan ang damong 'to.

Dinagdagan ko ng guhit yung tatlong pirasong damo. Dinamihan ko. At talaga nga namang namangha ako dahil nagmukha na silang bermuda grass na pwedeng pagpahingahan ko! Wow!

Well actually, hindi naman ako masyadong marunong gumuhit. Siguro dahil nga siguro may mahika 'tong brush eh naiguguhit ko nalang ng walang kahirap-hirap ang nasa isipan ko.

Nakaramdam ako ng kasiyahan. Para akong si God. Syempre biro lang! Hehehe. God is God. Walang ibang makakapantay sa Kanya. Ganito siguro ang nangyari nung panahon Niya. Meron lang talagang nangyayaring hiwaga sa lugar na ito. Hays! Nakakaloka ha!

Ilang sandali pa..

"Wow!" namamangha kong sambit sa aking isipan. Ang ganda!

Hindi na ako nakakapag-isip kung ano ang iginuguhit ko bagkus ay gumagalaw nalang mag-isa ang hawak kong brush.

Paraiso.

Isang napakagandang paraiso ang naiguhit ng brush na hawak ko. Nakakamangha. Hindi ko mahanap ang salitang pwedeng i-describe sa hiwagang ito!

Ang dating madilim at walang ingay na paligid, ngayon ay nagkabuhay na.

Bagama't hindi pa naman ganoong kalakihang lugar ang naiguguhit ng brush na 'to ay masasabi ko ng pwede ko na itong pagpahingahan kahit papano.

Iba-ibang kulay ng bulaklak ang makikita mo sa paligid. Magagandang puno. Ang iba ay namumulaklak pa. Napaka-bango. Nakakarelax. Naisipan ko pang gumuhit. Gusto kong gumuhit ng mga bagay na may buhay at humihinga maliban sa akin.

Hinawakan ko ng maigi ang brush na hawak ko at kunot ang noo akong nag-concentrate sa aking iguguhit.

Ilang sandali pa ay muli na naman akong nakaguhit! Waaa ang cute! Isang rabbit! Kulay brown at fluffy na rabbit! Mabilis ko itong hinawakan at niyakap. Ang saya ng feeling ko! Nakagawa ako ng rabbit!

Inilapag ko muna siya at hinayaang magtatakbo sa garden na ito. Nag-try pa ako ng isa. Naisip ko yung mas malaki sa kanya. Napapikit pa ako sa pagguhit at ilang sandali lang ay nakaguhit na naman ako ng isang... Wolf? Isang malaki at mabalbon na lobo ang naiguhit ko. Huhu bakit hindi nalang aso? Like St. Bernard? Golden retriever? Ganon!

Dahan-dahan akong napapaatras sa nakikita ko. Nakatingin siya sa akin. Hindi siya galit pero nakatingin lang siya sa akin. "Wag mo kong kakainin. Lumayo ka.. m-mama ko.. Huhuhu.." napaupo nalang ako at napatakip ng mukha dahil sa nerbiyos.

Pero hindi nagtagal ay may naramdaman akong kumikiskis sa balat ko. Huh?

Unti-unti kong tinanggal ang mga kamay ko sa mukha ko para tingnan ang bagay na kumikiskis sa balat ko. Nagulat pa ako ng makita ko siya mismo sa harap ko. Mapapaiyak na sana ako pero bigla niya ulit kiniskis ang sarili niya sa may binti ko.

Hindi niya naman siguro ako kakainin ano? Hinayaan ko muna siyang gawin yun ng ilang minuto. Saka ko napagtantong hindi naman siya delikado. Mabait siyang lobo! Kaya naisipan ko ng i-pat ang ulo niya. Omg! Ang lambot lambot ng buhok niya! Para siyang aso! Sabagay, kamag-anak nga naman ng aso ang mga lobo.

Dahil nga sa nakaupo ako, dahan-dahan siyang naglakad sa tabi ko at humiga sa lap ko. Nagulat pa ako. Pero natuwa din naman ako sa tagpong yun. Para siyang naghahanap ng kasama tulad ko. Kaya hinayaan ko nalang siyang humiga sa mga hita ko at hinahaplos ko ang mahahaba niyang balahibo habang nakahiga siya.

Ilang sandali pa ay napapapikit na naman ako tanda ng inaantok na naman ko. Hinayaan ko nalang muli ang aking sarili na matulog.





Makalipas ang ilang sandali ay nakaramdam ako ng humahaplos sa aking buhok. Bigla akong napadilat. Ramdam ko pa rin ang paghaplos sa aking buhok kahit na gising na ako! Paano nagkaroon ng ibang tao dito? Mabilis akong napaupo at napatingin sa taong humaplos sa buhok ko.

Isang lalake? At isa siyang... gwapong lalake. Talagang natulala at nagulat ako sa presensiya niya. Hindi dahil sa kung saan siya nanggaling kundi sa halos perpekto niyang itsura. Maputi. May kulay brown na buhok na bumabagay sa maputi niyang balat. Mahahaba ang pilikmata. Kulay ash na mga mata. Matangos ang ilong. Maninipis at mapupulang labi. At dinaig pa ako sa pisngi niyang mamula-mula! Ang manly din ng adam's apple niya.

Napalingon-lingon pa ako sa paligid kung meron na bang ibang tao maliban samin. Pero wala! Ang garden lang at kaming dalawa ang naroon!

Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Sa mismong harap ko! Ang tangkad niya! Mas lalong gumwapo sa paningin ko. Pero sandali! Panaginip lang ba ito? Sinampal sampal ko pa ang magkabilang pisngi ko. Pero hindi. Hindi siya illusyion!

Pero teka sandali. Bigla kong naalala.. yung wolf na kasama ko kanina? Asan na yun. Nagpalinga-linga pa ako sa buong paligid. Hindi ko makita! Baka napano na yun! Hindi ko muna pinansin si pogi sa harapan ko at sumipol muna para sana tawagin yung lobo ko. Oo lobo ko. Bff na kami!

Pero nakakainis! Nawawala siya! Hindi kaya.. Hindi kaya may kumuha sa kanya? Pinatay siya? Kinain siya? Dahan-dahan akong napalingon kay pogi.

"Tinatawag mo ba ako?" bigla siyang nagsalita. Nanindig ang balahibo ko sa boses niya. Ang lalim! Ang manly! Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Pero hindi! Kinain niya ba ang lobo ko? Pinatay niya ba? Huhuhu..

"Wag kang lalapit.." dahan-dahan akong umatras.. sumipol pa ako ng ilang beses. Baka sakaling marinig pa rin ako ng lobo ko.

Dahil sa kakaatras ko, tumama ang paa ko sa batong nasa likod ko at mabilis na sana akong matutumba pero mas mabilis si kuya at nasalo niya ang malapit ng tumamang likod ko sa lupa!

"Tigilan mo na ang pagsipol mo. Nandito na ako sa harap mo." Napakunot pa ang noo ko sa sinabi niya. Pero bago pa ulit ako makapag-isip ay itinayo niya muna ako.

"Sino ka? Hindi naman kita iginuhit ah?" mabilis kong pag-iinteroga sa kanya.

"Ano sa tingin mo.." bigla niyang hinawakan ang buhok ko at hinaplos haplos na naman iyon. Bigla nalang akong may naalala. Hindi kaya?

"Ikaw yung...?"

"Oo ako nga. Ako si Trigo, ang lobo mo." napanganga ako sa revelation niya.

Somewhere in NeverlandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!