If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony

108K 1.3K 271

If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony

(Para sa mga curious.. meet my one and only, Seth Anthony Bello ----->

Dedicated kay nerdysavvy. Kung sino ka man, magpakilala ka sakin. HAHAHA!)

**

FRIDAY NIGHT | POP'S LOUNGE

NORMAL POV

Busy ang Pop's ngayong Friday night. Every 2nd Friday ng Septembe kasi ginaganap dito ang D' Jami Nights. 3rd year na itong event na 'to, at SASSA (plus Chester and Wes) ang nagsuggest kay Papi na gawin ito nung 2nd year sila. Una fundraising lang ang D' Jami Nights para sa nanay ni Papi, kaso sa sobrang benta ng gabing 'to, naging normal event na sa lounge.

Tugtugan lang to ng bands at kung anu-ano pa. Kaya.. tignan na natin?

**

CHESTER'S POV

Nakaupo lang kami ni Janine sa Seniors booth habang hinihintay magstart ang program. Ang bagal kasi mag-ayos nitong mga technician, kanina pa pumapalya yung amps sa may stage.

"Oy Ches," tawag nya sakin. "Wag ka ngang masyadong seryoso."

"Ako seryoso? Sinong nagsabi?"

"Yung creases sa noo mo, kumakaway sakin. They're telling me to soothe you raw."

Napahawak naman ako sa noo ko. Creases? Wow, pwede namang wrinkles na lang! Teka ba't ako ganito? Finale kasi kami mamaya, yung banda namin nina Rocky. Tapos yung babaeng yon, may masama pang plano. Nakakainis! "Wala akong creases. At san mo naman nalaman yan?"

Tinaasan nya ako ng kilay. Uh oh. "Dun sa boring na story natin sa English kanina," sabay inom ng iced tea. "Wala lang, ang cute lang kasi."

Kaunti pa lang ang Seniors na kasama namin dito sa may table. Kung matatandaan nyo may division ang Pop's for each level. Since eto ang first out of school party (Well technically hindi kasi 150 meters away lang ang Charleston) this year, mas maraming naunang undergrads kesa samin. Ang Seniors may grand entrance yan!

"Wala pa sina Barbs. Nakakainis!"

"Ang bugnutin mo ata ngayon Ches. Meron ka ba?"

"Nagpapatawa ka ba Janine?"

"Tsss. Sungit! Sana maputol yung strings mo habang nagsshred ka! Buti nga sa'yo!" umusog sya para ipakita na naiinis talaga sya sakin. What now?

*few minutes of silence*

"Nine."

"Che. I'm not talking to you."

"Oy wag ka na magpacute dyan."

"Hindi ako nagpapacute. Bahala ka dyan." Naglaro na lang sya ng Temple Run.

"Kitagawa..."

"Don't go Panot on me."

"Kaboses ko si Panot?"

"Medyo. Eww."

ARAY. Sakit naman non. "Hoy mamaya ka na mag-Temple Run! Kahit anong gawin mo di mo pa rin matatalo ang 9 Million ko."

"Suck it up, Chestie. Nasa 11 Million nako as of now."

"Ganyan ba ang nagagawa ng inis mo sakin?"

If I FallRead this story for FREE!