"Good night, Klare." Dinig kong sinabi niya bago siya tuluyang umalis.

Nang nakauwi na si Elijah ay nakatulog din ako sa antok at pagod. Iyon lang ang hinintay ko. I want him home safe.

"Ate!" Sigaw ni Charles habang nagtatatalon sa aking kwarto kinaumagahan.

Oo nga pala. Pupunta kami ngayon sa libingan ng lolo ko. Paniguradong magpapapicture na naman si Azi sa lapida niya. Iyon kasi ang kanyang nakagawian. Taon taon, tuwing undas, simula nang namatay si lolo, nag papapicture siya sa lapida. Natutuwa kasi siya dahil pangalan niya ang naroon: Azrael Ian Montefalco Sr.

"Matuluyan ka sana!" Tumatawang sambit ni Erin sa kanya habang humihiga sa tabi ng lapida at nag papapicture.

Sikat si lolo dito sa syudad. Syempre, isa siya sa may malawak na lupa sa buong lalawigan. May ipinangalang street sa kanya sa isang lalawigan. A.I. Montefalco. Kilala ang buong pamilya kaya pagkarating namin sa sementeryo ay marami rin kaming kilala sa mga taong naroon at bumibisita sa patay.

Naroon na si Elijah, Azi, at Damon kasama ang kani kanilang mga magulang. Well, except for Damon. Ang daddy nina Damon at Rafael ay parating nasa Manila. Silang dalawa lang ang nakatira dito. Inoferran si Damon na mag Maynila para doon mag aral. Buong akala ko nga ay aalis na siya ngayong second sem pero nagulat ako nang hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.

Tumama agad ang tingin ni Elijah sa akin. Kitang kita ko ang tingin niya galing sa mga mata ko pababa habang nakaupo sa niset up na mga upuan at mesa. Madalas ay dito kami nag oovernight. Iyon ang nakagawian. May mga kaibigan din kami sa paligid na dito rin nag oovernight sa sementeryo ngunit ngayon, mukhang malabo yata ito. Makulimlim ang panahon. Mukhang may bagyo kaya hindi kami pinayagan.

"Klare, light this candle." Sabi ni mommy sabay limang kandila sa akin.

Sa libingan ni lolo at lola, may nakalibing ding ibang relatives namin. May mga bulaklak na doon at nag squat kami ni Charles para sindihan ang kandila na binigay ni mommy sa akin.

Hinintay namin na dumating sina Josiah, Chanel, at Erin. Umupo ako sa tabi ng tahimik na si Claudette habang hinihintay ang kanilang pamilya.

"Samin tayo!" Giit ni Azi.

Malapit lang kasi dito ang bahay nila. At paniguradong masisiyahan si Erin kasi matutupad na 'yong wish niyang swimming sa swimming pool ni Azi.

"Hindi ka pa ba nauumay sa kaka overnight?" Tumatawang sinabi ni Damon.

"E, ikaw? Di ka pa ba nauumay sa palaging pagiging absent tuwing may overnight? Alam kong sa ospital ka nag papalipas ng gabi. Ewan ko anong meron sa ospital!"

Napangiwi si Damon kay Azi. "Wala ka ng pakealam doon!"

Nagbangayan pa sila. Tawa lang kami nang tawa ni Elijah at Claudette hanggang sa dumating na sina Chanel, Erin, at Josiah kasama ang mommy at daddy nila. Mabilis akong nag mano kina tita at tito. Napangiwi si Tito pagkatapos kong mag mano at agad bumaling kay mommy.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!