Kabanata 30

1.3M 32.8K 32.4K

Kabanata 30

I Know

Inuwi ako ni Elijah sa bahay. Wala pa sina mommy at daddy. Siguro ay hindi pa tapos ang party. Alas onse pa lang naman at gaya ng sabi ni daddy, uuwi ako bago mag alas dose. Wala ulit kaming kibuan. Masyado rin kasi akong maraming nasabi kanina.

Alam kong walang plano ang mga pinsan ko na matulog sa bahay namin ngayong gabi. Syempre dahil bukas, pupunta pa kami ng Divine Sheperd, kung saan nailibing ang Lolo namin. Doon kami magpapalipas ng undas kaya ang alam ko ay ihahatid lang ako ni Elijah sa loob ng bahay at uuwi rin siya agad. Masyado namang weird kung dito siya matutulog kahit wala naman sa plano. At pakiramdam ko, kung iyon ang magiging desisyon niya, hindi ako makakatulog sa kaba.

Pumasok ako sa kwarto at sumunod naman siya. Hindi ko siya matingnan habang siya ay parang pinapanood ang lahat ng galaw ko.

"I'll just make sure you'll sleep." Aniya.

"Matutulog naman talaga ako." Utas ko habang kinakapa ang zipper ng damit ko sa likod.

Oh no, no, no! Don't tell me I need his help! Hindi ko na sinabi pero siya na mismo ang nagtanggal ng zipper pababa sa gitna ng likod ko.

"Uh, thanks."

Mabilis kog kinuha ang pajama, t shirt, at tuwalya ko. Dumiretso na ako sa bathroom. Kinabahan ako doon. Ni hindi ko na siya tiningnan man lang. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng mag shower.

Hindi siya aalis hanggat hindi ako nakakalabas, diba? Ni hindi ko alam kung aalis ba iyon? At hindi ko rin alam kung gusto ko ba siyang umalis o hindi.

Pagkatapos ng shower ay nagpalit na agad ako ng damit. Lumabas ako at nakita ko siyang nakaupo parin doon sa kama ko. Naka puting t shirt na siya. Hinubad niya na ang seven colors na jacket. Naka puting t shirt at naka army pants parin siya. Sinundan ulit ako ng mga titig niya. Suminghap siya nang umupo ako sa kama. Nakatingin parin siya sa akin kaya tiningnan ko na rin siya.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ko.

Hindi siya agad sumagot. Imbes ay tumayo siya at kinuha ang comforter ng kama ko. Umayos ako sa kama. Tinabunan niya ang tuhod ko ng comforter at umupo siya sa gilid ko. Iyon lang ang ginagawa niya pero hindi alam kung bakit umaalog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Pinipigilan ko ito pero hindi parin umaamo.

"You really sure we won't tell anyone?" Tanong niya gamit ang malulungkot na mga mata.

Tumango ako.

Ngumuso siya at tumango. "Matulog ka na." Aniya.

Umiling naman ako. Kumunot ang kanyang noo sa aking pag iling.

Humiga ako sa kama nang nakatingin parin sa kanya.

"Hihintayin kong makauwi ka." Utas ko sabay pakita sa cellphone ko.

Tumango siya at ngumisi. "Okay. We'll sleep together."

Tumango ako. Tumikhim siya at tumayo. Kinuha niya 'yong jacket niya at tiningnan muna ako bago binuksan ang pintuan sa kwarto. Lumabas siya ngunit hindi niya agad iyon sinarado. Paunti unti niya iyong sinarado habang nag tititigan kami.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!