x10: The Visit (part1-- ACCEPTANCE?)

278K 3.5K 82

halooo pipol~ pumapart1 epek na ko oh..dame kcng churva XD ehh asan na ba mga mka-Adrian ditetch?? wehehe..waley lang.. ayt. daldal ko! READ na then read and read..lol. thanks~ ^^v *wink!*

- - - - - -

x10: The Visit (part1-- ACCEPTANCE?)

[ADRIAN's PoV]

Matapos kong atupagin magdamag ang lahat ng schoolworks ko, nagmadali na kong nagpunta sa bahay nina Chelle. Masaya ako kasi pumayag sya na dalhin ko ang anak namin sa mama ko pero...MAS MASAYA ako kasi pati sya ay sasama na samin! HAHA! Ako na ang excited! Nung girlfriend ko pa kasi si Chelle noon, hindi ko sya nagawang ipakilala kay Mama.

Nang marating ko ang bahay ni Chelle...ang galing lang! Yung sasakyan ni CJ, naka-park na naman sa tapat ng gate nila! Ampucha! Bakit ba nandito na naman ang lalaking yun?!

Tsk. Bumaba na lang ako ng kotse tsaka tinawagan si Chelle sa cellphone. Sinabi ko sakanya na nandito na ko sa labas at di naman nila ko pinaghintay nang matagal. Lumabas sila kaagad ni Andy kasama yung CJ. Si CJ yung may bitbit ng bag nila.

"San ko toh ilalagay?" Nakangiting tanong ni CJ sakin. Tss. Kinuha ko na lang yung bag at binato yun sa backseat ng kotse ko. Sya naman nag-squat para harapin si Andy. "Oh bye na baby.. Behave ka dun ah?"

"Yes Daddy!" hinalikan ni Andy ang lalaking yun sa pisngi bago tumakbo papunta sakin. "PAPAAA!!!!"

Kung makasigaw naman tong anak ko! Natawa tuloy ako sakanya at binuhat sya. "Ready ka na?"

"OPO! Let's go na po kay Lola!"

LOLA.. Hahaha.. Baka mawindang nanay ko nito pag marinig si Andy na tinatawag syang lola. Ayaw pa naman nun na nagmumukha syang matanda.

Pinaupo ko si Andy sa backseat, katabi nung bag nila at tsaka ko lang napansin si Chelle na nakayakap na pala kay CJ! Hindi yun ganun 'kalanding' yakapan pero NAKAKAINIS PA RIN SILA TIGNAN. Tapos nagbubulungan at nagngingitian pa sila! TSK.

"CHELLE. TARA NA." yaya ko na sakanya.

"Oh MHIE, aalis na kayo.." Sabi ni CJ sabay hiwalay kay Chelle. At 'MHIE' raw huh?

"Sige.. Wag mo kakalimutan yung mga sinabi ko ah? Hehe. Bye.." Nakita ko na naman silang nag..argh. Bwiset. Sumakay na lang ako ng kotse. Pero mali. Dapat pinagbuksan ko ng pinto si Chelle eh! Ay naku! Yung CJ tuloy gumawa nun!

"Sige pre, ingat kayo ah?" Sabi ni CJ SAKIN? Haha.. Oo, sakin nga.

Tumango ako sakanya at pilit na ngumiti.

Sinara na rin nya ang pinto sa side ni Chelle at umalis na kami.

* *

Sa umpisa ng byahe, tahimik lang kami. Si Andy ang maingay kasi may nilalaro syang mga kotse. Ang bilis nga mawala ng pagka-badtrip ko dahil sakanya. Twing tinitignan ko kasi sya sa may rear-view mirror natatawa ako. Ang galing nya gumawa ng sound effects eh at yung mga kotse nya, nalipad. HAHAHA.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!